The Questions

14 0 0
                                    

"Sigurado ka bang wala kang nararamdaman kay Night, ate Sy?"

Pinukawan ko ng masamang tingin si Jazz na lumalantak ngayon ng binili niyang mixins ngayon dito sa Jollibee. Ipalunok ko kaya sa kanya yung kutsara para mabilaukan siya?

Tumingin muna ako sa likod para icheck kung pabalik na ba si Z mula sa banyo bago sumagot.

"Para kang taga-divisoria, Jazz. Pusher ka ba?"

"Pick up line ba yan te?"

"G@&^. Push ka kasi ng Push. (=__=)"

"HAHAHAHA!"

Mga ilang araw na rin ako kinukulit niyan ni Jazz. Minsan nga kahit sa harap ni Z, sinasabi niya bagay kami. Mag-usap lang, eentra sya para itanong kung nag-uusap kami about family planning. Kung di ko lang to kilala, tinapon ko na to sa imburnal eh. (-_-)

Pero hindi ko itatanggi. Iniisip ko rin kung may nararamdaman ako. I mean. Something deeper than water. O diba ang lalim? Meheheheh.

Ang labo din naman kasi ng lovelife ko. Yung una kong ex, naging boyfriend ko ulit tapos naging ex ko ulit. Yung pangalawa naman, niloko na ko, ginamit pa ako pero hinabol ko pa din. Hahahaa! O diba instant? Ang sarap buhulin ng utak ko.

Tapos nainlove at pers sayt ako sa isang man of my dreams~ matangkad, matangos ilong, maputi, malambot buhok, mabango at may dimples! Nasa tumblr ko pa nga picture nun eh. Kaso wala. Sabi bakla daw siya :( kaya ayun. I closed the gate of my dreams.

*SIGH.

Kaya nagdadalawang isip ako..

..Nagdadalawang isip kung pwede nga ba akong mainlove sa lalaking best friend ko. Kasi, hindi malabo eh. Hindi malabong mahulog ang loob ko sa isang lalaking lagi akong pinapaboran. Lagi akong sinasamahan. Lagi akong napapangiti..

Lagi kong hinahanap.

Lagi kong gustong makita.

At lagi kong gustong ako lang ang nakikita..

"Sino nanaman yang katext mo?"

Tiningnan niya ako bago nagtype ulit sa phone niya. "Wala."

"Wala daw tsuu~ Nililigawan mong bago o girlfriend mo na?"

"Hahahahahaha! Wala nga. Wala yun."

Ganyan naman kami palagi. Itatanggi niya wala pero yung katext niya nag-aI love you. O kaya bigla nalang may isang araw na nawawala siya tapos biglang may pinopormahan na pala. Tapos ayan, pag-iniwan, dahil isa siyang dakilang biktima ng friendzone, ako tong binubuhusan niya ng sama ng loob. Kung di galit sakin, hindi ako kakausapin. Tapos tatanungin ako kung saan banda siya nagkamali! Aba, malay ko! Ako ba pumorma sa babaeng mukhang lalaking niligawan niya? ERR.

Ganyan yaaaan~ sanay na ako.

Kaso. Sa isang bagay ako hindi sanay. Dito. Dito sa mga tanong kung bakit ang big deal sakin ng mga bagay na to. Wala naman akong paki dati eh. Ilang taon na ba kaming magkaibigan? Dalawa? Mag-tatatlo? Lahat tong mukhang ewan na feeling, kailan lang naganap. Kailan lang nagpakita. Di ko rin magets eh..

..pero..

..nagseselos ba ako?

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon