Valentine Ball

17 0 0
                                    

"Again! Thank you everyone for attending this Valentine Ball and may we enjoy the rest of the night~ with our special someone."

Special someone.

Tsu. Baka may special someone.

Nakita kong bumaba na ng stage si Tanya after ng maikli niyang speech at nagpatuloy ang party people sa pagwawala sa stage. At ako? Eto. Nanunuod ng mga magkasintahan na nagsasayaw, naglalampungan, naghahalikan, naglolokohan.

Tsk. Maghihiwalay din yan!

Hahahaha! Ganyan yata talaga ang mga linyahan ng mga taong single katulad ko. Huhuhu. Wala pa kasi yung shooting star na hiningi ko kay Lord eh. I pity myself. Ching.

Tinungga ko yung lime juice sa harap ko since allergic ako sa alcoholic drinks. Kanina ko pa hinahanap si Z pero the entire time, ni hindi man lang siya nagpakita sakin. Kaya ayan~ forever alone ang peg ko dito. Maya maya pa ay nakita kong binibigyan ng mga lalaki yung mga partner nilang babae ng pink roses. Mwahahaha! At wala man lang nagbigay sakin! I feel sorry for myself.

Uwi nalang kaya ako?

UGH.

🎶 I'll hold the door. Please come in, And just sit here for a while.

This is my way of telling you I need you in my life~ It's so cold. Without your touch. I've been dreaming way too much.. Can we just turn this into reality~🎶

Napatingin ako bigla sa harapan ng stage kung saan nanggaling si Tanya kanina. Doon, may isang malaking kurtinang puti ang nagpapakita ng anino ng isang lalaking nakahawak sa isang gitara. Ni hindi ko man lang napansin na may ganung set-up pala dahil busy akong magpaka-bitter sa mga lovers sa tabi ko.

🎶 Cause I've been thinking 'bout you lately~ Maybe you can save me, from this crazy world we live in.. And I know we could happen, Cause you know that I've been feeling you.. 🎶

Pilit kong tinitingnan kung sino yung lalaki kaya mas lumapit pa ako.

Pamilyar eh. Yung boses. Yung kanta.

Parang narinig ko na dati?

🎶 Storms they will come but I know,

That the sun will shine again. He's my friend, And he says that we belong together. I'll sing a song, To break the ice. Just a smile from you would suffice. It's not me, Being nice girl this real tonight~ 🎶

May mensahe ang bawat salita. Hindi ko alam pero palagay ko, may kakaiba sa kumakanta. Feelingera ako, totoo yan, pero iba tong nararamdaman ko..

..feeling ko.. Hinaharana ako.

..Hanggang sa biglang bumagsak yung puting kurtina..

🎶 Cause I've been thinking 'bout you lately~ Maybe you can save me, from this crazy world we live in. And I know we could happen, Cause you know that I've been feeling you. I know you want me. 🎶

Isang lalaking matangkad ang ngayo'y nasa harapan at kumakanta. Wala na yung lagi niyang suot na malaking salamin at unat na maikli na yung dating mahaba at kulot niyang buhok. Naka-kulay pula siyang tux terno ng suot kong dress at...

Nakatitig siya sakin ng diretso.

🎶 There's no other, There's no other love.. That I'd rather have, You know.. There ain't no one, There ain't no one else.. I want you for myself. 🎶

Binaba niya yung gitara niya at dinampot niya sa kung saan yung boquet na white lilies. Pagkatapos ay bumaba siya ng stage ng hindi napuputol ang titig sa akin. Narinig ko ang mga hiyawan ng tao sa paligid.

Kung prutas ako, siguro para akong kamatis. Yan ay dahil sobrang namumula ang pisngi ko at gums ko.

Pero kung gamit ako, siguro para akong kandila. Kasi para akong natutunaw.

What sorcery is thizzzzz?

"I've been thinking 'bout you lately~ Maybe you can save me, from this crazy world we live in. And I know we could happen, Cause you know that I've been feeling you. I know you want me too."

Binanggit niya yung lyrics ng kanta na parang mga linya niya para sa akin. Pagkatapos ay inabot niya sakin yung mga lily na kanina niya pa hawak.

Alam kong nakatingin samin ang maraming tao. Bakit? Shooting ba to?

"Z. Nakakahiya. Anong ginagawa mo?"

"Serenity. Matagal na tayong magkaibigan. Matagal na ding, ikaw na lang palagi ang nasusunod sa pagkakaibigan natin. Hindi ako kumakanta pero para sayo gagawin ko. Lahat ng bagay na gusto mo, susundin ko. Nung sinabi mo saking exempted ako maging boyfriend mo, hindi ako nagreklamo. Pero diba, hindi naman ako exempted na mahalin ka ng ganito?"

Hindi ko alam ang sasabihin. Basta nakinig lang ako sa sasabihin niya.

"Baka pagkatapos nito, murahin mo ko. O kaya kotongan. Kurutin. Sipain. Suntukin. Sapakin. Kaso, ano namang magagawa ko? Hindi mabubuo ang araw ko ng hindi nakakatikim sayo."

Aba! Lalaking to! Napakamot siya ng ulo kaya nagtawanan ang mga tao.

"Hindi ko alam kung paano mo ko tatanggapin. Pati yung nararamdaman ko. Kaya kahit matapos ang araw na to na galit ka sakin, may ipapabaon sana ako sayo..

...

....

..serenity. Mahal na mahal kita. Pwede bang... Akin ka nalang?"

Unti-unti kong naramdaman ang bawat likidong tumulo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung para ba yun sa tuwa, sa lungkot o sa takot.

Basta ang sunod na naaalala ko..

Tumango ako.

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon