A/N: Hello... Okay, Okay... Dalawa Muna eh UP ko Ah... Mahina kasi Signal So... Bye? HAHA😁😁😁
-----------------------------------------------
-----------------------------------------------Kisha's POV
Kakalabas lang namin galing clinic, kaya hinatid na nila ako papunta sa bahay. Mahirap na 'DAW' kung wala akong kasamang umuwi at baka mapanu daw ako. Dahil kakagaling ko lang daw sa bugbog, kaya nagpahatid na lang ako.
"Cge, pasok nako ah." Sabe ko ng makadating na kami sa bahay.
"Ahh okay, magpahinga ka na din para mabawasan yang sakit ng katawan mo, ah." Sabi ni daniella sakin.
"Oo na... salamat sa inyo, ah. Babawi nalang ako next time."
"Ano kaba, okay lang. BFF kaya tayo. Hehe." Tiffany.
"Ahh... C-cge alis na kayo at papasaok na din ako. Bye bestfriends, thank you sa pag hatid."
"Bye bestfriend." Sabay nilang sabi at pagkatapos ay pinaharurot na nila ang sasakyan. May pa kaway kaway pa silang dalawa habang nakangiti.
Napangiti nalang ako habang tinatanaw silang papalayo sa kinaruroonan ko. Ng mawala na sila sa paningin ko ay saka nako pumasok.
"Hoy babae! Bakit ginabe ka ng uwi? Nakipag date kaba sa labas at ginabe ka? Ang landi mo talaga eh noh?" Sabi ni blossom ng makita niya akong pumasok.
"Kisha? Anong nangyari sa mukha mo? At bakit puro pasa ka sa katawan? May nanakit ba sayo at ganyan yang itsura mo?" Sabi ni ate kate. Napansin pala niya ang itsura ko na puro pasa?
"Ahm... a-ano wala l-lang to. Hehe." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nangingilid na naman kasi ang namumuo kung luha sa mata ko.
"Tsk.. nag iinarte lang yan. Kaya wag mo nalang pansinin. Duh!" Rinig kong bulong ni kylie.
"Anong wala?! Tingnan mo nga sarili mo. Panigurado akong masasakit yang nakuha mo! Sa mga Bumogbog sayo!" Galit na sabi niya, habang tinitingnan ang mga pasa ko.
"Ahh... b-basta, okay l-lang talaga a-ako, cge akyat nako sa taas. Magpapahinga lang muna ako." Sabi ko at dali daling pumunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ay agad ko ito ini lock. Napa upo nalang ako sa sahig ng maalala ko na naman ang ginawa nila sakin. Diko mapigilang umiyak.
Pumunta ako sa kama ko kahit na nanghihina na ako. Pagkatapos ay nag taklob na ako ng kumot, at don ako umiyak ng umiyak. Hanggang sa makatulog ako.
***
*KINABUKASAN*
Nagising ako dahil sa sobrang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumangon nako, pagkatapos ay kinuha ko ang CP ko para tignan kung anong oras.
9:35 AM
Hala?! Na late na pala ako. Huhu... ayoko pa naman na naa absent ako. Hayss.
Bahala na nga di nalang ako papasok ngayon, tutal masakit pa naman ang katawan ko eh. Naghilamos muna ako at nag toot brush bago bumaba.
Bumaba na ako pagkatapos ko maghilamos para maka pag almusal na ako, nakita ko naman si yaya pering na naghuhugas ng mga plato.
Agad naman siyang lumingon. Naramdaman cgoro niya na may tao sa likod niya.
"Oh?... Hindi ka pala pumas-----" Dina niya naituloy ang sasabihin niya. I swear, napansin niya na yung mga pasa ko. *sigh*
"Anong nangyari sayo huh, hija? Bakit puro ka pasa sa katawan?" Sunod-sunod na tanung niya sakin. Grabe naman to si yaya mukha siyang nag rarap eh... Hahahaha.
"Ahh... wala lang to, yaya. Okay lang ako." Sabi ko, at umupo na para kumain. Magsasalita na sana siya ulit pero di na niya naituloy dahil ngumiti ako sa kanya. Tanda na okay lang talaga ako, at wag na siyang mag alala.
Tumahimik nalang siya kahit na, halata naman na gusto niya pang mag tanung. Bumalik nalang siya sa ginagawa niya.
-----------------------------------------------
-----------------------------------------------A/N: HMP! 🙁🙁🙁Mag vote naman po kayo at mag comment bala kayo... Diko to tatapusin... Gagandahan kopa naman ang story nato... pero sa pagdating lang ng revenge niya... May revelation pa naman na magaganap. Hehe *peace* 😉
YOU ARE READING
The Revenge Of The Girl
Teen FictionHello Po! First Time Ko Po Na Gumawa Ng Kwento.... Edited... Sana Magustuhan Niyo... >>>>Thank You! 😄😄😄