"andyan na siya.."
puro yun ang salitang naririnig ko mula sa mga kasiksikan ko sa corridor, obviously lahat ay interesado syang makita mapa-babae man o lalake. Natawa akong bigla sa sarili ko, hay nako..di raw interesado sa itsura pero eto at nakikipagbalyahan ako na parang nakikipag agawan sa VIP seats ng isang concert.
Magtatanong pa sana ako ng biglang bumukas ang automatic door at pumasok ang isang matangkad at mestisong lalake na sa tantya ko ay mga 27-29 ang edad. Ang lakas ng appeal niya..pwede syang ihanay sa mga model ng bench sa tabi nina coco martin--yun nga lang ay mestisong mestiso sya.
"oh, laway mo tumutulo.." sabay abot sakin ni Louella ng isang panyo habang titig na titig ako sa lalaking dumating.
"tse, bruha ka talaga. yan na ba yung kapatid ni Ma'am Carlene?"
"di ko alam, pero parang di naman ganyan ang itsura nun.."
"ay nako, bumalik na nga tayo sa loob at baka wala pa tayong matapos ngayong araw.."
"sus, sige na nga.."
Isa isa naring nagsibalik ang ibang employees sa kanya kanyang departments, kumbaga sa deal ay nakuha na nila ang gusto nila. Pero infairness kung yung guy na yun yung boss namin slash brother ni Ma'am Carlene, ay nako winner na winner na no ampogi kaya.
*kring kring kring* panirang caller to, nagmomoment ako eh.
"hello? this is Maxine of Accounting Department."
"si Carlene to, pls go to my office for a while."
"ok ma'am."
Lumabas ako at pumunta ako sa isang adjacent room na naroon, ang office ni Ma'am Carlene.
"hi ma'am.."
"sit down for a while..medyo meron kasing naging maling entry sa ginawa mong sales report for this year, pero don't worry because that's my fault naman eh..mali yung naibigay kong data for analysis..sorry Max."
"okay lang yun Ma'am, pwede ko naman pong i-revise ngayon eh as long as di pa nasa-submit lahat ng financial reports sa taas."
"that's what I wanted to say, naipabigay ko na kasi kay Louella sa taas yung financial reports and since ikaw yung nakapirmang account executive doon ikaw lang ang may right para bawiin ang sales report."
"ok lang po ma'am, kukunin ko nalang po sa sekretarya---"
"he've read it already..I'm really sorry dear, I can't trust anyone, but you alam mo naman sigurong napagnakawan tayo recently."
"wag po kayong mag alala ma'am kukunin ko napo sa taas."
Pagkalabas ng office ni Ma'am Carlene ay agad akong nagtungo sa main elevators ng building, mukhang magkakaharap na kami ni Mr. Super Gwapo ngayon ah. Bumukas ang elevator door at lumabas lahat ng sakay nito, sumakay narin ako--pasara na sana ang pinto ng biglang may sumigaw.
BINABASA MO ANG
The Proxy Wife
Romancesi Maxine, NBSB ever ang drama sa buhay..paano kung dumating ang isang araw na mangailangan sya ng tulong, pero ang pagtulong din sa iba ang magiging kabayaran. Magulo? ako man, naguguluhan na. [Currently revising/editing. Thank you parin sa pagbasa...