NOTE: saglit lang, sa wakas tagumpay kong nailagay yung kunwari-ay-pinaghirapan-at-pinagpuyatan kong gif sa gilid ---------------------------------------------------------------------------------->>>>>
syemay naman kaseee, sensya na perstaym eh. :D pero yung sa mga susunod n chapter ta-try ko rin i-gif yung mga pes ng characters ko, ahihihi..nux, pero pag tinamad picture nalang. :D parang mas okay yun diba? sige lang feel free na laitin niyo ang gawa ko..ahaha..parang tanga lang. :D
_____________________________________________________________________________
"excuse me, do you have a perfect cut pink diamond ring?" tanong ko sa saleslady ng Tiffany & Co.
"just a moment sir.."habang nagtype sya sa computer na nasa harapan niya..
"we have it..I'll just get it in our vault for you to choose from our sizes.." muli nitong sabi at sabay talikod para kunin ang singsing..
"pre, you're dead serious talaga with her huh!" komento ng kaibigan kong si Jonas habang naglilibot libot kami sa loob ng boutique dito sa U.S.
"mauna na akong mag-asawa sa inyo pre, mahirap na..baka maagaw pa sya ng iba." sabay tapik ko sa balikat niya.
Si Jonas ang itinuturing ko na best friend sa aming limang magkakabarkada, primarily dahil sa naging classmate ko sya noon sa Ateneo High School. Nakilala naman namin sa isang fund raising activity sina Carlos, Erik, at Dale. Kumbaga sa mga lovers eh parang may chemistry agad kaming lima..in short puro kami kalokohan..haha.
"you won't enjoy being a bachelor na..tsk, tsk..pero okay narin yun..para naman mapansin naman kami ng ibang babae kapag kasama ka namin. hahaha"
"ewan ko sa'yo Jonas..eh andami mo ngang babae dyan..kung makapagsalita ka parang di ka nila pinapatulan.."
"eh saka lang naman nila kami napapansin kapag sinabi mo ng may girl friend ka eh, haha..but seriously, ano gusto mo stripping act oh all the way agad?" minsan talaga eh nakakagagong kausap itong si Jonas..
"ano naman yun?"
"malamang babae.."
"alam ko, eh bakit naman natanong mo iyon?"
"para sa bachelors party mo pre! hahahaha! ah ako na ang mag oorganize basta ikaw mag ready ka nalang."
"Jonas, magpo-propose palang ako may bachelor's party ka kaagad dyan!"
"eh dun din ang uwi nun!"
nainterrupt lang ang pag-uusap namin ng dumating na ang saleslady dala ang isang medyo may kalakihang tray ng diamond rings..
"sir, here it is.."
agad nag settle ang kamay ko sa isang 24karat gold ring na may perfect cut ng pink diamond at may tig-tatlong maliliit na white diamonds rin sa paligid..hindi overdecorated at eleganteng eleganteng tignan..perfect sa kamay ng pinakamamahal kong si Patrice.
"sir, your girlfriend would be happy if you'd give her that one..its the most expensive on this set of diamonds."
pinakamahal pa pala ang napili ko sa set na ito, pero wala akong pakialam sa presyo basta maibigay ko lang sa kanya ang perfect engagement ring. Napapangiti na ako sa aking sarili ng biglang nagsalita si Jonas.
"ano pre..kukunin mo na ba yan? oh baka naman ini-imagine mo pa kung ano magiging reaksyon ni Patrice kapag ibinigay mo na iyan?" kantyaw pa nito sa akin..
"I'll get this.."
inabot muli iyon ng saleslady at dinala muli sa loob ng storage para ilagay sa box nito.
"kung ako si Patrice, nako hinding hindi na ako tatanggi sa kasal na iaalok mo..maisip ko palang na aabot sa 2.4M dollars ang babayaran mo para sa isang engagement ring eh parang nakakabaliw na..ibibili ko nalang siguro iyon ng isang 4x4 terrain vehicle..haha, isama mo narin siguro ang isang condo! aba'y dinaig mo pa ang hari ng Saudi sa pagbigay ng engagement ring..dapat pala kitang isali sa Guiness world records hahaha!" pangangantyaw pa ni Jonas.
"once lang naman ikakasal ang isang tao eh..so, why not give the best na diba? saka gago ka talaga..hari yun, malamang mas mahal pa dito ang kayang bilhin nun."
"ok, whatever..so pare, if ever something bad will happen just call us..and we'll come running back to you--with tissue!" habang umaakto pa si Jonas na umiiyak. Napangisi nalang ako sa kanya, ganyan lang talaga yan..kung kelan positibong positibo ang aura mo eh sila ang naninira..bagay na bagay nga kaming magkabarkada dahil opposite charges attracts diba..haha.
[Makati City, Philippines 2:30pm]
"Maxine, may problema ka ba ha?" sabay bagsak ni Louella sa dala niyang folder sa table ko..
"ha? bakit, wala naman.."
"nako, di ako naniniwala sayo! i-check mo ulit yung financial record na ginawa mo sa month na ito..ang daming kulang teh..pumapalya ka lang naman sa trabaho kapag may problema ka."
"si tatay kasi eh, nung umalis ako kaninang umaga medyo nahihilo..baka inaatake nanaman ng alta presyon."
"naku, dalhin mo na kasi sa doktor para di ganyang namomroblema ka."
"hay nako Ella, gustuhin ko man eh ayaw naman nung matandang yun..matigas talaga ang ulo.."
"mahirap pag ganyang kaisa isa ka lang na anak no? wala kang masandalan sa mga oras na gaya nito, wag kang mag isip ng kung anu ano dyan..malalagpasan mo rin ito.."
"sana nga, simula ng mamatay ang nanay eh si tatay na talaga ang nagtaguyod sa akin..nag Saudi para lang mapag aral ako sa magandang University. Di ko na alam gagawin ko kapag pati sya ay nawala."
"ano ka ba Maxine! wag ka ngang mag isip ng ganyan..ang nega mo. gusto mo mamaya eh samahan pa kitang kumbinsihin ang tatay mo para di ka na nag aalala dyan?"
"talaga Ella? maraming salamat ha!"
"nako..para san pa't naging kaibigan mo ako..basta ikaw!" ngiti niya sa akin, nakahinga na ako ng maluwag sa ngayon..pero hindi ko alam kung hanggang kailan.
BINABASA MO ANG
The Proxy Wife
Romansasi Maxine, NBSB ever ang drama sa buhay..paano kung dumating ang isang araw na mangailangan sya ng tulong, pero ang pagtulong din sa iba ang magiging kabayaran. Magulo? ako man, naguguluhan na. [Currently revising/editing. Thank you parin sa pagbasa...