Chapter 19

10.7K 189 12
                                    

-19-

A/N ansabe naman ng last chapter, di ko alam kung ano nakain ko at nagkaganun?


si ate Carlene po pala ulet..hihi. >>>>

_____________________________________________________________________________

[Maxine's POV]

Medyo okay na ang pakiramdam ko salamat narin kay Kyle na nandito para alalayan ako. Ilang minuto narin buhat ng makaalis sina ate Carlene ay biglang may inannounce sa ospital, pinapatakbo ang available na nurses at doktor sa emergency room.

Tumayo na si Kyle para pumunta na sa E.R. sasabay narin ako sa kanya sa pagbaba, naalala kong di pa nga pala ako kumakain.

Pagbukas ng elevator door andaming nagtatakbuhan.

Ang gulo gulo.

May duguan na nasa stretcher, merong nasa wheel chair, merong naglalakad at nakaakbay sa ilang nurse.

Grabeng aksidente yan?

Nawalang bigla sa paningin ko si Kyle. Nilibot ko ang tingin ko, hinahanap ko siya--ah baka busy na sa mga pasyente.

Yung paa ko dito ako dinala sa may emergency room.

Patalikod na sana ako ng bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses.

"VLAAAAAD!"

Shit.

Hindi.

Imposible.

Hindi si sir Vlad iyon.

Hindi si ate C---

Naramdaman kong pumatak ang luha ko.

Si ate Carlene.

Hysterical ang itsura habang yakap ni Erik. Nakatingin sila parehas sa isang tao na naroon, di ko makita kung sino dahil natatabingan ng kurtina.

Si Kyle may inaalalayang medyo may katandaang babae.

Di ko maihakbang ang mga paa ko.

Pinahid ko ang luha ko, pero di parin maubos ubos.

The Proxy WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon