-38-
[Vlad's POV]
Ahhh..nasaan ba ako? Umupo ako at napasapo sa sumasakit kong ulo. Pagtingin ko sa bedside table may picture ni Sai--ohhkaay, so dito na ako nakatulog sa condo ng pinsan ko.
Baka nasa kabilang kwarto..magising nga maayang magswimming.
Dire-diretso akong lumabas sa pinto habang nagiinat inat pa.
O_____________O
May---
Babae....
“Oh, hi. I’m sorry, I didn’t know—“
“Ah..good morning po.”
Magkasabay pa naming sabi..
“—that Cyann’s girlfriend is here,” Sabay dugtong ko sa sinabi ko..
“Ahh.. Ha?” Sagot niya na parang nagulat pa sa sinabi ko..
I smiled, then saka ako lumapit sa kanya--
"Where are my manners? I'm Cyann's cousin nga pala. Name's Kuya Vlad." I offered my hand, she took it..pero parang nahihiya parin sya sakin.
"Ahhh... Clementine po, Lem for short,"
"Kuya Vlad nalang, drop the 'po'. Eight years lang ang tanda ko kay Sai. And I'm sure I don't look old." I smiled at her tapos ay saka ako umupo sa upuan.
"--Sorry if I had to intrude. Napalipat pa tuloy kayo sa mas maliit na kwarto, hahahaha," I glanced at the guest room--
"--Buti sinagot mo yung ungas na yun? Pagkakatanda ko, player yun eh. And I'm not pertaining to him being in the varsity. Lapitin kasi talaga ang lahi namin sa mga babae, hahahah. Ginayuma ka ba niya?" Sabi ko while scanning my eyes sa hawak kong dyaryo, magandang babae itong si Lem ha, good catch, saka wala sa itsura niya na pang one night stand lang sya.
"Ahahahaha," Feeling ko naiilang sya..
"Gusto niyo po bang mag-coffee, Kuya?" Parang kagabi pa ako gustong pagkapehin nung dalawang to ah?
I closed the newspaper, at saka inilapag sa mesa.
"Ah, hindi na. Pero, is there a pool here?"
"Opo, sa penthouse po." Magalang itong si Lem ah. Okay nasa top floor pala nito ang pool..
BINABASA MO ANG
The Proxy Wife
Romansasi Maxine, NBSB ever ang drama sa buhay..paano kung dumating ang isang araw na mangailangan sya ng tulong, pero ang pagtulong din sa iba ang magiging kabayaran. Magulo? ako man, naguguluhan na. [Currently revising/editing. Thank you parin sa pagbasa...