Is this for Real - Chapter 17

310 5 0
                                    

[Ali's POV]

"D-daniel"

"Gusto kita, okay?"

"Pero--"

"Pero ano Ali?"

"Hindi pwede. Ayoko, sorry. I dont feel the same way. Sorry daniel."

Tumakbo ako ng tumakbo. Gusto kong lumayo sa lugar na yun. Hindi pwede. Gustong gusto ni Ryl si daniel. Ayokong makaaway ang bestfriend ko. At ayokong ma-fall sa kanya. Nagsinungaling ako sakanya. May feelings din ako pero pinipigilan ko. Mas gusto kong kay Ryl na sya. Kilala ko si Ryl, alam kong iba si daniel sakanya. Alam ko kung gaano kagusto ni Ryl si daniel, kaya ayoko.

Iniwan ko magisa si daniel dun. Sana hindi malaman ni Ryl to. Ayokong magaway kami dahil nanaman sa lalaki. Gusto kong umiwas sakanya pero baka makahalata si Ryl. Hay bahala na nga si batman. Nadagdagan nanaman problema ko. -___-

6 o'clock na ng gabi. Hindi muna ako umuwi at pinatay ko ang cellphone ko. Alam kong tatawag si Gelaa at Ryl. Andito ako sa puntod ni papa. Kapag may problema ako, sakanya ako pumupunta. Mas nakakagaan kasi sa loob. Feeling ko nakikinig sya sakin. 

"Dy, sorry wala akong dalang flowers o kahit kandila. Biglaan kasi ako pumunta dito. Gusto ko muna lumayo sa mga tao, kung nasan yung mga problema."

Tumulo bigla ang luha ko. Namimiss ko na si daddy. Gusto ko syang yakapin, pero di ko magawa.

"Daddy, simula nung nawala ka, wala na akong kakampi. Pati si tabachoy umalis. Iniwan ninyo ako.  Diba nagpromise sya sayo na hindi nya ako iiwan. Pero iniwan nya ako. Multuhin mo nga ng maalala nya ako. Alam ko magkikita pa kami ni tabachoy, pero ikaw.. Matagal tagal pa kitang makikita."

Para akong tanga dito. Iyak ng iyak at kinakausap ang isang puntod. Buti na lang may ilaw dito. Pag andito ako, kahit madilim hindi ako natatakot kasi alam kong binabantayan ako ni daddy. 

"Daddy, may nagtapat ulit sa akin. Sobrang ganda kasi ng anak mo kaya habulin ng lalaki."

Pinipilit kong tumawa kahit pilit lang.

"Buti na lang nagmana ako sayo. Daddy miss na miss na kita. Bakit mo ba kasi kami iniwan agad?"

Iyak ako ng iyak. Biglang may humawak sa balikat ko.

"Daddy, joke lang naman. Alam mo namang matatakutin prinsesa mo diba? Tama na dy. Natatakot na talaga ako."

"Liyah"

Nakapikit lang ako. Baka kasi kung ano makita ko eh. Tumayo ako at tumalikod. Sinipa ko kung sino man o ano man yung humawak sa balikat ko.

"Aray!"

Tinignan ko kung sino yun. 

"Kuya! Sorry. Natakot kasi ako eh. Ano ba ginagawa mo dito?"

"Gabi na. Umuwi na tayo."

Nasipa ko ata junior nya? pumipilipit sya sa sobrang sakit. Hahahaha. :)) 

"Teka, pano mo nalaman na nandito ako?"

"Gusto mo malaman?"

Nag nod nalang ako. Akala ko aawayin ako ni kuya. Pero umupo sya sa harap ng puntod ni papa kaya umupo na rin ako.

"Bago namatay ang daddy, lagi syang nagkekwento sakin. Ikaw kasi puro gala kasama ng tropa mo."

"Oh tapos?"

Is this for REAL? (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon