Is this for Real - Chapter 20

235 2 0
                                    

[Ali's POV]

"IKAW NANAMAN" sabay pa namin sinabi.

"Bakit ba ang sungit mo sakin?"

"Eh gusto ko eh."

"Wushuu. Baka naman.."

"Hay nako, im just wasting my time here. Isipin mo kung ano gusto mong isipin. Kahit kelan naman adik ka eh."

"Ikaw naman krung krung"

"Whatever!"

Naglakad na ako. Mga ilang classroom pa dadaanan ko, pero may napansin ako..

O____o! "D-daniel?"

He just stared at me. Ewan ko ba. Lalo akong naiinis sakanya. Biglang kumikirot yung dibdib ko. 

"Why dont you mind your own business? Shoo!" sabi nung girl na kahalikan ni daniel.

"S-sorry."

Bumalik ulit sila sa ginagawa nila. Pero nakatingin sakin si daniel. This is too awkward for me, kaya tumakbo na ako. Tuluyan na akong nagditch ng klase. Dumeretso ako sa rooftop.

Andun ako sa may edge nakaupo. Wag nyong isipin na magpapakamatay ako ah, OA na yun. Nagpapahangin lang ako, at nagisip-isip. Mga isang tulak lang ng mahina, pwede na ako malaglag. Ang hangin kasi dito, ang sarap tumambay.

Dahil wala namang ka tao- tao dito, pwede akong sumigaw. Yun yung way ko, para gumaan ang loob ko. 

"AAAHHH!!!!!!!!" Ang sarap sa feeling. "AAAAAAHHHH!!!!!"

"Hoy ang ingay mo!"

"AY SHOKLA-AAAAAAAHHHH!!!!!!!!! Tulungan nyo ko!"

Nahulog ako, pero nakakapit pa rin ako sa edge. Naiiyak ako. 

"Please, tulungan nyo ko. nakapikit lang ako. Kahit hindi ako takot sa heights, takot ako mamatay! 

"Ang tanga mo kasi eh!"

"PUCHA! Eh kung tulungan mo kaya ako!"

Kahit hindi ko kilala to, para syang tanga. Imbes na tulungan nya ako, sinisisi nya pa ako. Malaman ko lang kung sino ka, papatayain kita!

"Tulungan mo na ako please!"

Bumitaw na yung isa kong kamay. Yung mga daliri ko, unti unti na rin bumibigay!

"Kunin mo yung kamay ko dali!"

"Hindi ko maabot! Please, tulungan mo ko."

"Ano ba sa tingin mo ginagawa ko?"

Sige, makipagbarahan ka pa sakin. Walanya eh. Naiyak na ako dito. Nakamulat na yung mata ko, pero di ko makita muka nya, kamay nya lang. Nakita kong nagadjust sya.

"Ayan! Dali, kunin mo na kamay ko!"

 Naabot ko na yung kamay nya, naiiyak pa rin ako. Hindi ko pa rin sya makita. 

"Ang bigat mo!"

"Weak ka lang! Dalian mo! Hilain mo na ako!"

"Eto na, eto na! Wag kang bibitaw!"

"Sa tingin mo gusto kong bumitaw?"

"Sige, makipagbarahan ka lang, bibitawan kita."

Is this for REAL? (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon