Is this for Real - Chapter 13

361 7 0
                                    

[Nathe's POV]

"Ma! Yung books ko! San mo nilagay?"

"Hindi ko ginalaw gamit mo nak! Ang kalat kalat mo kasi eh! Hanapin mo na lang."

Nagsisigawan kami ni mama ngayon. Kasi naman eh. Laging ginagalaw gamit ko. Ang kalat tuloy ng kwarto ko. 

"Ayun! Nakita ko na ma! Nasa ilalim ng kama."

"Ang kalat kalat mo kasing bata ka eh."

"Oh sorry na ma, 'to naman. Ang init agad ng ulo mo eh. Bye na! Punta na ako dun."

"Oh, eto yung address nila. Ingat ka. Uwi agad pagkatapos."

"Yes ma. Bye!"

Kumiss na ako kay mama. Hindi ako mama's boy okay? Simula nung nagkalabuan sila ni papa ako na nag aalaga kay mama. Umalis na ako ng bahay. Hindi ko pansin late na pala ako. Nung binabasa ko yung address may nakabungguan ako. 

"Miss okay ka lang? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo eh."

Inabot ko kamay ko, pero hindi nya tinanggap.

"What a stupid question. Kbye!"

Ang taray naman nun. Tumakbo sya ng tumakbo. Ang careless nya. Anyway, hinahanap ko ang street nung magtuturo sakin si Gelaa daw eh. Nung nakita ko na ang street nila, lumiko na ako. Nakita ko andun sa isang bahay yung mataray. Tinitignan ko lang sya. Nakita ko rin syang pumasok dun sa bahay na yun.

Tumigil ako sa bahay kung san pumasok yung mataray, sakto! Dito rin ako. Maasar nga. >:)

Kumakatok ako ng kumakatok. Walang sumasagot. May naririnig akong naguusap kaya kumakatok pa rin ako. Sa wakas may nagbukas din.

"Uy nathe, pasok ka. Dala mo books mo?"

Nagnod lang ako. Si Gelaa nga ata ito? Sa school rin nila ako pumapasok kaso hindi ko sila kaklase, and hindi ko sila masyado nakikita.  Hindi pa pala ako nagpapakilala..

I'm Nathan Carlo Bautista. People call me 'nathe'. Third year highschool sa Ferrer University. Gwapo ako. Hindi pa ako nagkakagirlfriend, sadyang nakikipaglandian lang sakanila. Im popular sa school and varsity ako ng basketball. Bagsak ako sa mga subjects ko, that's why tinuturuan ako ni Gelaa.

Paakyat na kami papunta sa kwarto nya, dun daw nya kasi ako tuturuan, may library daw sya dun eh. Biglang nagsigawan sila nung nakabungguan ko kanina.

O_____O!!

Shet! Ano tawag nya sakin? Adik? Kung ako adik, sya naman baliw. May pagka eng eng ata tong babaeng to eh?

Nagsorry si gelaa sakin. Nalaman ko din name nung baliw na babae. Ali pala ah. Matripan nga to mamaya. Adik pala ako eh. Edi panindigan na. Hahahaha! >:))

Sigaw ng sigaw si Ali, malaki ata problema neto eh? Iniwan ako ni gelaa sa labas ng kwarto nya, tatawagin na lang nya ako mamaya.  Ang bait bait ni gelaa, pero bakit ganon kaibigan nya? May sayad. -___-

Lumabas na ng kwarto si Gelaa.

"Ah nathe, pasok ka na."

"Ahm, okay lang ba sa kaibigan mo?"

"NAMAN! Tsaka kwarto ko yan, wala syang magagawa. Tara na."

"Sige."

Pumasok na kami ng kwarto, wala si krung krung sa loob ng kwarto nya, pero may nakita pa akong isang babae na busy sa phone nya. May katext yata eh? At ayun, pinaupo nya ako sa floor at kinausap yung isa pang babae. Tinawag nyang ryl, siguro yun pangalan nya.

Is this for REAL? (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon