Friends it is. :)

412 9 2
                                    

Chapter 5

[Ryl's POV]

Ang gwapo ng new guy. Grabee, ano to love at first sight? Parang ang aga naman para maging love. Siguro crush ko sya. Kaso dun sya pinaupo sa tabi ni Ali eh. Shoocks! Ryl, wag kang magselos. Friend mo yan! Ano ba yan kinakausap ko nanaman sarili ko. Aish. -__- 

Anyway, nagrecess na kami. Sunod lng ng sunod si Daniel kay Ali. Grabee na to!! Siguro naman walang gusto si Daniel kay ali nuh? Think Positive lang Ryl! Wag kang paapekto!

Bigla akong tinulak ni Gelaa..

"Huy! Tulala ka dyan, ano problema mo? "

"Wa-wala."

Sabay tumingin ako kay Ali na hanggang ngayon kinukulit ni Daniel.

"Nagseselos ka nuh! HAHAHAH! :)))"

 "Hi-Hindi aah!! Tsaka ayaw kaya ni Ali dyan kay Daniel. Tignan mo nga oh! Iritang irita si Ali sakanya." 

Sana nga hindi. -___-

"Asus! Inlababo ka lng dyan kay Daniel eh! Sabihin mo na kay Ali! Dali!"

"Ayoko nga! Tsaka wala akong gusto kay daniel ah!"

Ayy nako. Sana nga wala! Pero wala naman masama dun diba??

[Ali's POV]

Grabe, hindi ako tinitigilan ng lalaking to! Pero naaalala ko talaga Daddy ko sakanya, pero nakakainis talaga sya eh! 

"Ali!"

hindi ko sya pinapansin..

"Ali!"

..

"Ali!!"

"Ano ba?!!!"

"Hello?" 

"Kelangan mo ba ako kulitin para lng maghello? Nakakabwisit ka na ah!" 

"Sorry, peace na tayo. ^_^"

"Ano ba kasing problema mo at kelangan mo akong kulitin?! Sa tingin mo ano magagawa ng sorry mo! Nakakainis ka! Ang kulit kulit mo! SAbi mo titigilan mo na ako, wala ka rin isang salita eh! Kung pwede ba wag mo na kaming sundan nakakabwisit ka na eh! Wala akong pake kung bago ka dito. Humanap ka ng makakasama hindi kami yung kinukulit mo! Langya naman eh!"

"So-soorry.. ."

 Chill lang Ali, inhale, exhale, inhale, exhale! Nakuuuu!! Nakakabwisit! Control your temper ali. Relax. Haay. Para lang akong baliw dito. -__-

Naiinis na talaga akoo! Nung umalis kami, sumusunod pa rin sya. Pero atleast di na sya nangungulit. Natauhan siguro? Nakakabwisit kasi eh. At ayun, pumasok na ulit kami sa classroom. Wala akong gana kumain eh tsaka time na rin. 

Pagkapasok ko, umupo na agad si Daniel, tapos nakayuko lng. Ano? Kasalanan ko pa? Aish! >:| Bigla akong kinausap ni gelaa at ryl.

"Uy Ali, lagot ka. Pinaiyak mo si daniel!" sabi ni gelaa

"Kasalanan naman nya yun eh!"

"Kahit na, may kasalanan ka pa rin, nahurt mo feelings nyaa." sabay sabi ni ryl.

"Okay fine! Ako na may kasalanan. Pero.. kung di naman nya ako kinuli--"

di na ako pinatapos nung dalawa, tinulak na nila ako kay Daniel..

 Binigyan ko sila ng what-the-hell look. Tapos tinuturo lang nila si daniel and nagtaas baba mga kilay nila. Okay fine. Ako na magpapakumbaba. >.<

"Uy daniel..."

di pa rin nya ako kinakusap.

"Edi wag mo ko kausapin, arte mo. Ano? Kailangan ka pa suyuin? Neknek mo." 

Tumalikod na ako, nakita ko ang sama ng tingin sakin ng dalawa. amp naman eh! Ang arte arte ng lalaking to eh. Mas sensitive pa sya kesa sa babae eh.

"Daniel.. So-sorry na. Di naman talaga yun yung gusto ko sabihin sayo eh. Sorry na please." 

di pa rin nya ako kinakausap..

Naiirita na ako. Hay. Bwisit na to! >.<

"Huy daniel! Kausapin mo na ako please. Ikaw rin naman kasi yung may kasalanan eh."

Sabay bigla syang tumingin sakin ng masama..

"Okaay, ako na may kasalanan! Sorry na kasi! Ang kulit mo eh. Sorry na kung masungit ako sayo. Sorry na talaga!"

Pagtingin ko sakanya, sabay NGUMITI yung g*go.

"Nakakainis ka! Pinagtitripan mo nanaman ako nuh! I HATE YOU DANIEL JOSEPH! "

 "Pano mo nalaman 2nd name ko? May crush ka skin noh?"

"Shunga ka? Diba nagpakilala ka kanina? Amp. "

"Sorry naman. Edi pwede na akong sumama sainyo?"

"Bakla ka ba? Bakit di ka humanap ng katropa mo?"

"Sige na please! Sige ka, kukulitin ulit kita!"

"Okay fine! Pero wag mo akong kukulitin! Yung dalawa, yan yng kulitin mo! "

"Okaay!!! ^_^ So were friends?"

inabot nya sakin yung kamay nya..

Ngumiti ako at nakipag shake hands and said, "Friends it is! :)"

******

A/N: Eto na yung isa pang chapter!! Ngayon na lng ulit sinipag eh. Wala nanaman kasi ako bukas. Another outing. Hehehee. Comment and vote po kayo!! :)

Is this for REAL? (KathNiel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon