1

13 1 0
                                    

"Hindi ko mawari, hindi ko masabi" ni Sittie Samarah

Hindi ko mawari, kung bakit ikaw ang laging nasa isip,
Hindi ko mawari, kung bakit ikaw ay laging nakangiti saakin,
Hindi ko mawari kung bakit nahuhuli kitang nakatingin saakin,
Hindi ko mawari, kung bakit ikaw ay lumalapit na may kislap sa paningin,
Hindi ko mawari, kung bakit nakasunod ka saakin.

Hindi ko masabi sa iyo kung ano ba ang iyong pakay,
Hindi ko masabi sa iyo na ako ay nauumay,
Hindi ko masabi sa iyo na gusto ko ng makipagkamay,
Hindi ko masabi na ako ay nahulog na sayo ng hindi mo malay,
Hindi ko masabi ang kislap sa aking mata tuwing ikaw nandyan para dumamay.

Hindi ko mawari, hindi ko masabi na kaya ka pala lumalapit ay dahil saaking kaibigan,
Hindi ko mawari, hindi ko masabi na kung kailan nahulog na ako saka mo ako iniwan,
Hindi ko mawari, hindi ko masabi na siya pala ay para sayo at ika'y hindi para saakin,
Hindi ko mawari, hindi ko masabi kung bakit hindi ko man lang yun napansin?
Hindi ko mawari, hindi ko masabi ang sakit na nararamdaman ko noong ako ay iyong lisanin.

Hindi ko masabi, hindi ko maamin saaking sarili kung bakit kailangan pang masaktan ng paulit-ulit,
Hindi ko maamin, hindi ko batid na ganito pala kasakit,
Hindi ko batid, hindi ko maramdaman ang saya dahil ramdam ko lang ay ang pait,
Hindi ko maramdaman, hindi ko mapanindigan ang pangakong binitawan ko saakin sarili kung ako ay masaktan man,
Hindi ko mapanindigan, hindi ko na masasaksihan ang kasiyahan na dapat sana ay tayo lang.

100 spoken words poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon