7

4 0 0
                                    

"Bespar" ni Sittie Samarah

Not sister by b8lood but sister by heart, yan yung motto nating walo.

Nakilala kita noong grade 6 tayo, mag-kaiba tayo ng section at akala ko ay maldita ka rin katulad ng mga kaklase mo.

Nakilala ulit kita noong grade 8 tayo, lumipat ka pala ng ibang paaralan kaya ngayon lang kita nakita, ang daming pagbabago. Pasip-sip pa ako noong mga oras na iyon dahil hindi ko alam kung ako ay kilala mo .

Naging close friend kita noong grade 9 tayo. Masyadong maaga diba? Hindi kasi ako sumuko, sa ating walo ikaw lang ang pinagpursigihan ko. Pinakilala ko sayo si Wattpad, at yun na nga nagustuhan mo na. Naging close na tayo at gumawa na ng bagong ala-ala.

Grade 10 tayo ng unti-unting nabuo ang tore na pinaghirapan natin, sama-sama tayong walo sa pag-sagot ng tama o mali, panay ang diskarte natin kung paano ka mabibigyan ng sagot kapag sasagot ka sa pisara natin, panay ang pag-checheer namin sayo tuwing magrerepot ka sa klase, panay ang tawanan natin sa tuwing aalis tayo at dadaan sa mga kalabaw at mga basura sa kalye.

Hanggang sa graduation hindi ka nagpahuli, sabay-sabay nating pinangarap na mag-aral sa City at yun na nga natupad.

Sa una ay okay na okay pa tayo dahil bespar here and bespar everywhere. Pangalawang buwan, Keri lang kasi kapit-bisig pa tayo. Pangatlong buwan, natural may bago na tayong mak'close na kaklase. Pang-apat na buwan, kinakaya mo pa ako, kaming pansinin at sa pang-limang buwan, bakit parang hindi mo na kami maalala? Bakit sa iba ka na sumasama? Bakit parang mahalaga lang kami kapag may kailan ka? Bakit parang hangin lang kami?

Ano ba ang mali? May nagawa ba kami? Hindi ba kami sapat kaya mo kami ipinagpalit? Ano na? Bespar, ako ito si Mara. Gumising ka naman, gumising ka naman sa katotohanang tayo ay minsan ring naging magkaibigan.

Not sister by blood but sister by heart. Yan ang motto naming pito.

Note: I miss you

100 spoken words poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon