"Wala na, Finish na" ni Sittie Samarah
Huwag mong hilingin na mawala na siya, baka ikaw ay mag-sisi at masabi mong bumalik ka na.
Nagsimula tayo sa wala, yung walang tayo, yung walang bahid na magkakilala tayo, yung simple lang.
Nagsimula tayo sa ngitian, yung kapag magkakasalubong tayo kailangan ng ngiti, para bang naging habit natin.
Nagsimula tayo sa maliit na usapan, kumbaga sa mga salitang kamusta ka? Kumain ka na ba? Anong ginagawa mo nasaan ka ba? Paramdam ka ha?
Nagsimula tayo sa tanong, yung tinatanong ko na ang sarili ko kung bakit ganito ang trato mo? Nagsimula na akong magtanong sa sarili ko kung normal lang ba itong nararamdaman ko.
Nagsimula tayo sa lituhan, dumating na ako sa punto na kung saan hindi ko naiintindihan ang sinasabi ng ating guro sa harapan dahil sa mukha mong ubod ng kakisigan!
Nagsimula tayo sa aminan, inamin ko sayo ang tunay kong nararamdaman, inamin ko ang mga bagay na alam kong na sa iyo ang kasagutan, inamin ko ang salitang mahal kita at ang sagot mo ay pasensya dahil ako ay nalilito pa.
Nagsimula tayo sa awayan! Na humantong sa iwanan at kalaunay nag-iwasan. Humantong ang lahat sa wala, wala ng tayo ay! Wala pa lang tayo.
Nag-tapos tayo sa Finish line, kung saan ako ang unang lumaban pero ikaw ang sumuko, ako ang unang nagsabi sayo na mahal kita pero ikaw ang unang nagsabi ng pasensya.
Nagtapos tayo sa hiling, hiniling ko na sana ikaw ay umalis. Hiniling ko na sana hindi ka na bumalik at nagkatotoo ang aking hiling.
Nag-tapos tayo na may halong pagsisi, pagsisi na sana hindi ko na lang hiniling na ika'y mawala sa aking piling. Pagsisi na sana hindi na lang ikaw.
Nag-tapos tayo sa sakit, masakit para saakin na ikaw ay may bago ng naakit, masakit dahil sana ako na lang ang pinili mo at hindi siya, bakit?
Nag-tapos tayo sa pag-hikbi na siyang naging habit ko mula umaga hanggang gabi, paghikbi na tuluyang bumalot sa aking sarili.
Nagtapos tayo na may mapait na ngiti sa mga labi dahil hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o hindi, mapait na ngiti dahil hindi ako sigurado kung may tao ba talaga na muling mananatili.
Nagtapos tayo sa moving on, bagay na pinilit kong gawin sa huling pagkakataon, bagay na hiniling ko bago matapos ang tulang ito.
Nagsimula tayo sa wala at nagtapos tayo sa wala. Wala na, finish na.
12:29 AM
![](https://img.wattpad.com/cover/138566333-288-k876971.jpg)
BINABASA MO ANG
100 spoken words poetry
PoesiaMagbasa ng mabuti, upang ang puso ay maramdaman ang hapdi