4

6 0 0
                                    

" Ang crush kong hindi ako inibig" ni Sittie Samarah

Tinatanaw sa malayo, ang rebulto mong papalayo,
Nagtatago sa likod ng puno upang hindi mapansin ang aking anyo,
Dahan-dahang tinatahak ang daan kung saan ka tumatapak,
Pinipigilan ang pagpatak ng pawis na nagbabadyang bumagsak.
Mabibigat na hininga ang aking pinapakawalan,
Sa tuwing ikaw ay titigil at maglalakad ulit,
Mabibigat na paghakbang ang iniingatan, baka ikaw ay lumingon at ako'y mawalan ng hininga kung sakali man.
Bakit? Kasi hindi ko nais na iyong masaksihan, ang aking mga kalokohan,
Nakakahiyang isipin na dati ikaw ay tinitignan lang, hanggang ngayon ay ganun pa rin naman,
Walang pagbabago, kasi hindi ako katulad ng ibang tagahanga mo,
Na handang makipagsiksikan para lang mapansin mo,
Sapat na saakin ang makita ang likod mo,
Ang masaksihan ang tahimik mong paghakbang papalayo.
Mahabang panahon ang ginugol, ni minsan hindi ko nagawang ipagtanggol,
Ang puso kong sinaksak ng mongol dahil sa anunsiyo mong parang kulog,
Na malakas at nakakatakot, Nakakapanghinayang kasi iba ang pinili mo,
At sayang hindi man lang umabot ang aaminin kong pag ibig para sayo,
Apat na salita ang inihanda para sayo pero hindi natupad noong gabing iyon.
Muli, tinatanaw na naman kita sa malayo, kasama mo na ang babaeng napili mo,
Nagtatago sa likod ng puno at doon hinayaan kong tumulo ang mga luha ko,
Dahan-dahang tinatahak at tumigil kung saan kayong dalawa na ang sabay na tumatapak,
Pinipigilan ang paghikbi ng mata kong namumugto simula pa kahapon ng hating gabi.

Note: Sorry if hindi na ako nakaka update. Ginawa ko ang lahat pero yung UN ko is ganun pa rin :(

100 spoken words poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon