"Ganda ka? Gwapo ka?" ni Sittie Samarah
Isa akong babae mula sa isang lugar,
Kwento ko ay binubulgar,
Ng mga taong mapanghusga at mukhang hindi nag-aaral,
Hindi ako si Cinderella na nakaiwan ng sapatos.Ako ay isang binibini,
Na laging inaapi,
Hindi nila alam kung ano ang pakiramdam ko tuwing gabi,
Hindi nila alam kung gaano kasakit para saakin.Hinuhusgahan niyo ako,
Pero wala kayong alam sa kung ano ako,
Kababayan ko kayo,
Pero bakit parang tila wala akong makuhang maganda sa inyo.Ganda ka? Oo, maganda ka,
Pero yung puso ay napaka-panget,
Tinamaan ka? Sana alam mo noong umpisa bago ka manlait
Masakit ba? Mabigat sa damdamin mo pero paano pa kaya ako.Taon-taon kung bitbit ang masasakit na salita,
Taon-taon akong nasasaktan,
Taon-taon akong nahihirapan,
Taon-taon akong kinakaawaan.Isang gabi na akala ko ay ako lang mag-isa,
Salamat sakanya dahil napakabait niya,
Hindi niya hinayaan na maging malungkot ang isa sa mga dumalo roon,
Isa siyang anghel kung ituring.Gwapo ka? Hindi mo naman kailangan na siraan ang iba para umangat ka,
Hindi mo naman kailangan na mambastos ng babae para maging cool ka,
Hindi mo naman kailangan umiwas dahil kami na ang kusang aalis,
Pero sana kapag kami ay umalis wala na kaming maririnig na ano mang masasakit na boses.
BINABASA MO ANG
100 spoken words poetry
PoesíaMagbasa ng mabuti, upang ang puso ay maramdaman ang hapdi