"TURO" ni Sittie Samarah
Teacher! Teacher bakit ang hilig mong magbigay na sinko? Hindi mo ba naranasan ang pinagdadaanan namin ngayon? Hindi ka man lang ba naaawa? Hindi mo man lang ba naiisip na kaya kami nag-aaral ay para makapagtapos?
Teacher! Teacher! Please lang huwag mo ng dagdagan ang sandamak-mak na assignment namin.
Sinko? Hindi ko alam kung bakit napapaisip ako sa binigay ni Titser na Sinko.
Sinko? Yan yung mga araw na kung saan nagtagal tayo. Limang taon tayong nagtagal pero pinagpalit mo lang sa limang buwan na relasyon kasama ang sandamak-mak na babae, sinayang mo ang limang araw na dapat sana ay mag-aanim na taon na tayo, sinayang mo lang sa limang babae na kalandian mo sa ating klase, sinayang mo ang limang oras na dapat sana ay group activity natin, sinayang mo ang limang minuto na dapat sana ay magpapaliwanag ka kung bakit mo ako pinagpalit? Sinayang mo ang limang sigundo para lang sa isang halik na dapat sana ay para saakin.
Sinko? Yan yung mga oras na kung saan na Seen Ko ang mga paliwanag mo, balak ko sanang mag reply kaso bigla kong naisip na baka prank lang ito. Naisip ko na baka parte lang ito ng panloloko mo.
Di ako nagd'drama dahil nagsasabi ako ng totoo, sinasabi ko kung ano ang tunay na nararamdaman ko, sinasabi ko ang mga bagay na maaaring magpagaan sa sarili ko, mga bagay na magpapakalma sa sarili ko.
Tinuruan mo ako eh, tinuruan mo ako na hanapin ang solusyon sa problema nating dalawa, tinuruan mo ako na ayusin ang mga sirang salita, tinuruan mo ako na hanapin kung saang banda ba ng katawan ako nasaktan, tinuruan mo akong buuin ang ngiti kahit wala na ang rason.
Teacher! Teacher! Sorry kung ikaw ay aking nahusgahan.
Teacher! Teacher! Thank you at ako ay iyo pa ring tinuturuan.
Note: Belated happy teacher's day, lalo na saaking adviser na si Ma'am Mia Panulong.

BINABASA MO ANG
100 spoken words poetry
PoetryMagbasa ng mabuti, upang ang puso ay maramdaman ang hapdi