2

21 1 0
                                        

"Ipaglalaban o lalabanan?" ni Sittie Samarah

Heto na naman tayo sa isang digmaan,
Pipili ng isa kung sino ang mabubuhay at kung sino ang sasama sa kamatayan,
Ito ang labanan kung saan hindi lang ang katawan mo ang masasaktan,
Pati narin ang puso mo at isipan,
Ihanda ang sarili sa isang labanan,
Laban na ikaw lang lalaban.

Ipaglalaban kita hanggang sa katapusan,
Huwag kang bibitaw kasi ang kamay mo ay aking hahawakan,
Dalawa tayong lalaban kahit ilang batalyon pa yan,
Ilabas mo ang utak mo at gamitin mo bilang panlaban,
Itago mo ang puso mo para saakin at ipangako mo na iingatan mo hanggang katapusan.

Talasan ang mata baka ika'y mahumaling sa ating mga kalaban,
Takpan ang ilong baka malanghap mo ang lason,
Ihanda ang tainga sa nakakaakit na sensayon,
Isara ang isipan baka tuluyan ka ng mahulog sa bitag ng kahapon,
Isara ang puso dahil nagbabadya ng pumasok ang ating mga kalaban na nag-mula sa nakaraan na panahon.

Sila ay handa ng lumaban,
At handa kitang ipaglaban,
Dala nila'y mga kahon at mga letrato ng inyong mga nakaraang distinasyon,
Bitbit ko ang ating kasalukuyan,
Kasalukuyan na dapat mong ingatan.

Huwag kang bibitaw! Salitang binitawan ko noong magsisimula palang ang laban,
Sinabi ko na ang mga bagay na dapat mong panindigan,
Hindi ka dapat bumitaw sa kalagitnaan ng digmaan,
Pilit kong hinawakan ang mga kamay pero ikaw na mismo ang tulayang pumutol nito,
Tuluyan mo ng pinutol ang ala-ala ng kasalukuyan at sumama ka sa kadiliman.

At ng tuluyan ng natapos ang digmaan,
Muli na naman tayong pinagtagpo at ika'y nagpaparamdam na naman,
Iniisip ko kung ano ba dapat ang magiging laman ng puso ko at isipan,
Siguro ay nararapat na talaga kitang ipaglaban,
Pero tama na ang labanan ang nararamdaman.

Ipaglalaban pa ba kita?
Siguro ay tama na kalimutan na kita,
Lalaban ko ba ang nararamdaman?
Siguro ay ito ang tama,
Tama lang na hindi na kita ipaglaban kasi nagawa mo na akong bitawan noon, paano pa kaya ngayon?

100 spoken words poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon