Nakatingin lang ako sa kanya habang abala lang siya sa pagkamangha sa paligid. Nandito kami sa playground at nakaupo sa swing. Dahil anong oras na, alas-nwebe, wala nang batang naglalaro dito o tao. Malapit kasi to sa pre-school katabi lang nang university.
Di ko talaga alam kung saan ko siya dadalhin at hindi naman kami pwede magtagal sa library dahil mapaapagalitan na ako ni Prof Hilda. Itinago ko muna siya sa CR ng lalake habang ibinibigay ang susi kay maam. Buti na lang tahimik siya at hindi matanong. Pero kitang kita na marami talagang katanungan sa mga mata niya. At mukha ngang siya si Jose Rizal dahil ang dali niya makuha kung ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon.
At oo si Jose Rizal nga ang kasama ko. Pagkatapos ko tanungin ang mga ilang bagay tungkol sa national hero based sa mga biographies niya. Nasasagot niya to nang tama. Tinanong ko din siya ng mga arithmetic keme keme, kung saan siya expert. Dahil nasa disiotso pa lang daw siya kaya di pa niya sigurado yung mga sagot dun pero may mga assumption whatever siyang sinasabi na yun ang pwedeng maging sagot.
At kung iisiping kong cosplayer siya ni Jose Rizal. Napakatotoo naman niya kasi kahit anong gawin ko hindi nawawala yung acting niya na makaluma.
At isa tong malaking problema.
Anong gagawin ko sa kanya?
"Napakaraming nagbago." Nakatingala lang siya somewhere. "Tulad na lamang ng kalangitan, wala na akong nakikitang mga bituin."
"I thought you'll say na anong klaseng sasakyan yan or what but you really notice how our surroundings have been damaged."
"Inaasahan kong magiging ganito kaunlad ang teknolohiya."
Hindi ko akalain na gwapo pala ang national hero ng Pilipinas. Kaya pala wala na talagang duda kung bakit ang dami niyang chikababes, mapadito o mapaabroad man.
Siopao. Ngayon ko lang napagtanto na kasama ko ang isang napakarespetado at maalamat na tao! Wala akong galang gash! Binato ko siya ng libro at sinigaw sigawan. Nakakahiya ka Ravina!
"Ravina."
"Y-yes! Mr. Rizal!"
Natawa lang siya sa reaksyon ko. Nastruck lang ako kasi first time ko makita siyang nakangiti. Ngumiti sa akin ang isang bayani!!!! Sheyt panaginip lang ba to?!
"Kahanga-hanga, nalalaman mo na kung paano magsalita ng Ingles."
"Naku sir! Hindi! Wala pa ako sa kalingkingan mo sir! Hindi ko yun mapapantayan! Hindi ako worthy na makausap niyo! Oh hindi! Sorry if nabastusan kayo sa akin sir! OMG talaga! Paano ka ba babalik sa pinanggalingan mo, I mean, paano kita matutulungan sir!"
"Isa pa lamang akong bata tulad mo, wala pa akong nagagawa para sa bayan, ngunit napakasayang tignan na malaya na ang mga Pilipino. Malaya na sila upang tuparin ang kanilang mga pangarap. Masaya ako Ravina na nabigyan ako ng pagkakataon makita ang Pilipinas na malaya at masaya."
Nakita ko ang pagtulo ng luha niya. Nabasa ko na kahit may kaya ang isang Pilipino kahit mayaman, tingin pa rin sa kanila ng mga Kastila ay indio, mangmang, boplaks.
Sa mga isinulat niyang mga nobela, lalo na ang El Fili, pinakita niya kung gaano kahirap mabuhay nung panahon niya.
Samantalang kami, halos hindi na pahalagahan ang ginawa nang bawat bayani para lang sa kalayaan, para sa ikabubuti namin. Sa aming henerasyon.
"Sir. Thank you. Salamat sa kalayaan."
Pinunasan niya ang luha niya at marahang tumawa.
"Hindi Ravina. Huwag ka na maging pormal. Wala pa ako sa edad ko kung saan ipinaglalaban ko na ang kalayaan ng Pilipinas. Sa ngayon, bata pa lang ako at wala pang maipagmamalaki ngunit kung totoo ang sinasabi mong ako ang magiging pambansang bayani ninyo, masasabi ko na walang dahilan para hindi isakripisyo ang sariling buhay para sa bayang tinanggalan ng kalayaan."
BINABASA MO ANG
Once he Desires (JOSE RIZAL FANFICTION)
Historical Fiction"Mahilig ka ba sa libro?" Tanong sa akin ni Prof Hilda. "Oo naman po." Well not that much. Kailangan ko lang ng pera at mapagkakaabalahan. You don't know how my everyday life was very plain boring. "Books have life. It can change one person. It som...