Chapter 1

14 1 0
                                    


Kyrie's Point of View:

Asa café parin ako, nakaupo at naghihintay kay Rex, ang boyfriend ko. Nagpasundo na lang ako dahil hihiramin daw ni Elmo ang kotse ko kasi pinapaayos niya ito. I was about to text him ng may nagapproach sakin.

"Kyrie, sis! I thought you already left?" Takang tanong ni Elmo

"Wala pa eh and he's not answering my calls" Kanina ko pa tinatawagan si Rex, it's already 8.

"Baka na traffic lang, konting hintay lang sis hahahaha" Natatawa niyang sabi. Pansin niya sigurong naiinis na ako.

Ayaw kong pinaghihintay ako bwisit! Ugh!

"Gusto mo ba ng frappe?" Tanong niya at umupo sa harap ko

"No thanks." Walang gana kong sagot habang chinicheck ang phone ko

"Alam mo sis, baka wala ng pumasok sa café" Napatingin naman ako sakanya

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Kunot noo kong tanong

"Kung ang una ba naman nilang makikita pagpasok ay yang nakabusangot mong mukha. Baka sa kabila na lang sila pumunta" I'm not in the mood to joke around kaya hindi ko na lang pinansin si Elmo

"Oh dear, that's bad for business"

"Bakla hindi ka ba titigil ha?" Inis kong sabi

"Sinong tinatawag mong bakla?" Tanong niya at lumingon-lingon pa sa likod

"Ikaw, gaga!" Sabi ko sabay turo sakanya

"Oh I'm sorry, I'm a woman" Sabi niya at humawak pa sa dibdib

Naghairflip pa ang gaga kala mo ang haba ng buhok eh

"Ewan ko sayo" Napairap na lang ako

"Napagisipan mo na ba kung anong isusuot mo sa lunch date niyo ni Clarke?" Halatang kinikilig siya

Hay ito na naman, kanina niya pa ako kinukulit about sa date namin ni Clarke.

"Ikaw na lang kaya pumunta ang kulit mo eh." Pagtataray ko

"Aba hindi ko yan tatanggihan" Nakangiti niyang sagot at sabay baba taas ng kilay

"Ikaw inaya ha? Ikaw?"

"Hindi. Pero kung ayaw mo, pwede naman sigurong ako na lang pumunta hehe" Ano bang meron sa Clarke na yun at kinababaliwan nitong best friend ko? Tsk.

"Ugh ewan ko sayo. Ihatid mo na nga lang ako sa resto" Sabi ko

"Ay girl hintayin mo na lang, kaya mo yan! Hahahaha" Tumayo na siya at umalis

"Ugh" Napakamot na lang ako sa batok

8:30 na wala pa rin hays.

"ANO BA 'TONG KAPENG 'TO ANG PAIT?! PUCHA NAMAN" Napatingin ko sa pinanggalingan ng nakakainis na boses na yun

Nakita kong sinisigawan ng customer si Hannah, isa sa empleyado namin. Lumapit ako at hinawakan ang likod ni Hannah.

"Sir, I am Kyrie Yllana the owner of this café" I said it with authority

"Sis what's going on?" Biglang sulpot ni Elmo. I just shrugged

"Hannah are you okay?" Tanong ko kay Hannah at tumango naman siya

"Sorry po Ma'am Kyrie" Ramdam kong naiiyak na siya kaya hinagod ko ang likod niya

"Sir ano pong nangyare?" Tanong ni Elmo sa lalaking customer

"Ang pait ng kape ko! Ano ba yan! Kilala ang café na 'to as one of the best tapos ganito? You can't call this best kung pagtimpla ng kape palpak!" Reklamo ng lalaki

Save me, ClarkeWhere stories live. Discover now