Chapter 7: Nurse

61 1 0
                                    

Pagdating ko sa bahay kagabi (gabi na kasi kami nakauwi),agad akong dumiretso sa kwarto ko at nag-shower ng mabilis at dumiretso sa aking kama.Wala na akong time para magbasa pa ng libro (yun kasi ang ginagawa ko bago matulog) o kaya manood ng TV dahil kailangan ko ng maraming energy para bukas.Sigurado akong manghihina ako kapag nakita ko si Dexter sa ganung itsura.

"I'm so sick of this fake love! Fake love! Fake love!~"

Agad kong pinatay ang cellphone ko dahil nagising nako sa alarm nito.

Agad akong kumuha ng maayos na damit at dumiretso sa banyo.Hindi ako nagtagal sa loob at naglagay din ako ng konting make-up.

Hindi naman ganun ka-formal ang sinuot ko.Parang half formal and half ordinary clothes lang.

"Sofia kain kana." pag-aya ni Ate Sheena nang makababa nako.

Nginitian ko naman sila at binaba muna sa coffee table ang sloulder bag na dadalhin ko't dumiretso sa dining kung saan kumakain silang lahat except kay Daddy dahil wala siya sa hapag-kainan.

"Mom,asan si Daddy?" tanong ko nang makaupo nako.

"Maagang umalis.May gagawin daw importante sa trabaho." sagot naman ni Mommy at tumango-tango naman ako.

"San ka pupunta,Sofia?" pag-iibang topic naman ni Kuya.

"Dun sa kaibigan ko,Kuya.Si Dexter,yung kapatid ng pinsan ni Ate Mina." sabi ko at kumuha ng kanin.

"Ahh..So gaano kalayo yun dito?" tanong pa niya.

"Pitong bahay lang naman ang pagitan ng bahay natin sa bahay nila.Dito banda sa kaliwa.Yung may kulay grey na gate at may nakasulat na S." sabi ko.

Diretso lang naman ang daan namin dito sa subdivision kaya alam na alam na ni Kuya kung saan hahanapin.Tsaka nakita ko na yung bahay nila kagabi dahil dinaanan namin nina Philip nung ihatid nila ako dito.

After kong kumain,muli akong nagsipilyo at nagpaalam na sa kanila.

Bigla namang tumunog ang phone ko mula sa aking shoulder bag kaya tinignan ko ito.

It's Philip calling.

"Hello Philip?" pambungad ko sa kanyang tawag.

"Sofia malapit kana ba?" tanong niya naman.

"Ah oo.Malapit nako.Parating nako.Sabihin mo kay Dexter maghintay nalang siya diyan." sagot ko naman.

"Okay,makakarating.Bye."

"Bye."

Pinatay ko na ang tawag.Nagpalitan kami ng contact number kagabi bago ako pumasok sa loob ng bahay namin kaya nakatawag siya.Mahimbing din kase ang tulog ni Audrey kaya kahit na nakarating na kami samin ay tulog pa din siya.

Nang makarating na ako sa tapat ng kanilang malaking bahay,pinindot ko ang doorbell.Agad namang may nagbukas ng gate.

"Good morning po.Ako po si Sofia.Nandiyan po ba si Dexter? Bibisitahin ko po sana." magalang na pagbati ko sa isang babaeng siguro kasing edad ni Mommy.Malamang mommy ni Dexter toh.

"Ah! Oo ikaw pala Sofia! Oo nandito sa Dexter.Tara pasok ka.Kanina ka pa niya hinihintay." sabi naman ng babae at pumasok naman ako.

"Salamat po." sabi ko nalang.

"Ako nga pala yung Mommy ni Dexter.I'm Delphine Soliman.But you can call me Tita Del for short." pagpapakilala niya habang lumalakad kami sa papunta sa kanilang pintuan.

"Sure po,Tita Del." sabi ko naman.

Dahan-dahang binuksan ni Tita Del ang kanilang pintuan.

I'll say WOW in thier house.Parang kamukha lang ng loob ng bahay namin pero di hamak na mas magand ang sa kanila.

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon