Chapter 18: Anak

62 3 0
                                    

Natigilan ako.

"H-Hindi po.Never." sabi ko.

"Then,there's nothing to apologize,Sofia.Nagawa mo lang yun dahil mahal mo si Philip.Am I right?"

Tumango naman ako.

Bumuntong-hininga siya."Let's start again." aniya.Nag-angat ako ng tingin."I'm Karlina Ternizhia Livrea." sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.

Walang pakundangan ko itong tinanggap."Nice to meet you po,Tita Karlina."

Nginitian niya ako at umurong ng kaunti.Inilagay niya sa pagitan namin ang isang babaeng mukhang kasing edad ko lang.

"This is Aurzelle,Audrey's sister." sabi ni Tita Karlina.

"Hi." bati niya.

"Hello."

"Well,since you met each other,pwede mo nang gawin ang pakay mo dito." sabi ni Tita.

"Okay po.Thank you." sabi ko.

Umalis sila at bumalik sa kanilang upuan.

Ang pagkakaalam ko ay 30 minutes nalang ang kabaong ni Audrey dito tapos dadalhin na nila sa sementeryo kaya sakto lang ako.

Dinaluhan ako ni Drion sa harap ng kabaong.Pagkatingin ko kay Audrey,agad na tumulo ang luha ko.

Masyado akong naging selfish kaya siya nagalit.Oo,alam kong kapag aksidente,hindi sinasadya,pero iba ang ibig sabihin nun sakin para kay Audrey.Pakiramdam ko ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyare sa kanya.Pakiramdam ko,kasalanan ko kung bakit namatay siya.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.Pakiramdam ko ako lang mag-isa dito.Kahit nga ang pag-hagod ni Drion sa likod ko ay hindi ko maramdaman.

Nagtagal pa ako ng konti sa harap ng kabaong bago ako umupo sa upuang nasa tabi ni Philip and Dexter,at katabi ko naman din si Drion.

Kanina ko pa napapansing umiiyak si Philip.At dahil sa hindi ko na kaya,hinagod ko ang likod niya.Humarap naman siya sakin.

"You can do it." sabi ko at pilit na ngumiti kahit na nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiiyak.

Tinanguan niya lang ako at muling yumuko at umiyak.

Naghintay pa kami ng ilang sandali bago inilipat ang kabaong ni Audrey sa sementeryo.

Medyo makulimlim ang panahon kaya mas maraming tao ang nakapunta.

Puro pagsinghot ang naririnig ko sa sementeryo bukod sa boses ng pari.

Nung nabless na,isa-isa na kaming lumapit sa kabaong,binigyan namin ng puting bulaklak at nilagyan ng holy water.

Nandito pa'ko sa harap ng kabaong,kasama ko si Drion habang umiiyak.

Heto na talaga.Patay na si Audrey.Parang kailan lang nung nakabanggaan ko siya tapos inalok niya ako para maging kaibigan— para maging best friend niya,tapos ngayon,I'm seeing her lying inside a coffin.

Umalis nako sa harap ng kabaong.Pagkatapos ng maraming tao,dahan-dahan na nilang ibinaba ang kabaong ni Audrey.Kitang-kita ko kung gaano kasakit umiyak sina Tita Maine at si Aurzelle.

-------

Masyadong naging mabilis ang oras nung libing ni Audrey.Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa kwarto ko.

Bumuntong-hininga ako.Ngayong wala na si Audrey,kamusta na kaya si Philip? Ano na naman bang mangyayare sa kanya nito? Basta! Ewan ko na ba! Tapos hindi pa namin nagagawan ng kumpletong aksyon yung pag-aaral namin.Alam niyo naman,nasa Korea tapos binulabog ng isang masamang balita kaya ngayon,nagkabuhol-buhol na ang utak ko.Oh my ghad!

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon