Chapter 19: Tomorrow

63 3 0
                                    

"That's all,Mina.I hope you can say those all to her." sabi niya.

"Yes Tita.I will." sabi ko.

Habang sinasabi niya yun,bawat salita ay pumasok sa isip ko.Kung ito ang magpapasaya kay Tita,then I'll do it.I'll send this message to Sofia.I'll avoid her from crying hard like what Tita said before.

[End of Flashback in ARAMINA's P.O.V.]

Habang kinukwento lahat ni Ate Mina ang mga yun,nakaubos ako ng isang box ng tissue kakaiyak.I can't believe it.Sana pala nandito ako nun.Sana pala nakasama ko pa si Tita Del.Sana talaga.

Pero ngayon,huli na ang lahat.Bukas na ang libing niya.Patay na siya.

"Sofia,stop crying.Narinig mo naman kay Ate Mina yung message ni Tita Del sayo diba? Huwag ka daw iiyak ng matagal,don't cry hard." sabi ni Drion habang hinahagod ang likod ko.

"Sana talaga nandito ako nung time na yun." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Sofia anak,even if you can't talk to her with answers,talk to her above.Like what Aramina said,she's watching you." sabi ni Mommy.

"Yes Mom." sabi ko at tumayo."Excuse me." sabi ko at lumabas.

Hinayaan kong tumulo nang tumulo ang aking mga luha pagdating ko si pool.Habang umiiyak ako,tumingin ako sa langit at napaisip.

Bakit ganito ang nangyayare sakin? Bakit magkasunod na namatay ang dalawang taong kailan ko lang nakilala at naging malapit na sakin? Bakit ba? Ano bang ayaw sakin ng tadhana? Pinaparusahan ba talaga ako?!

"Sofia." biglang tawag ni Drion.

Alam kong siya yun kahit na hindi ako nakaharap sa kanya.

"Drion please,leave me alone." sabi ko.

"O-Okay." sabi niya lang.

Narinig ko ang bawat yapak niya palayo.Muli akong napaisip.

Like what Drion said,ano nang plano ko? Paano ako ulit magsisimula? Kung dati,tinakasan ko ang problema which is alam kong yun ang tama,ngayon..there's no escape.I have to face it seriously.Sabi nga nung MAPEH teacher namin,“Don't escape problems,face it.”

Sa ngayon,sisimulan ko muna kay Philip.Si Dexter,hanggang kaibigan lang talaga so,done nako sa kanya.Kay Philip lang talaga.

-------

"I'm so sick of this Fake love! Fake Love! Fake Love!"

New day,new life.

*sigh*

Nakapag-tataka,bakita wala pang tao sa baba? Kahit mga maids? 6:45 na ah.What's happening? As in,ako lang talaga ang tao dito sa baba.Hayaan na nga.

Bibisita ako ngayon kay Philip.Ako.Ako lang mag-isa.Hindi ko na pinaalam kay Drion dahin for sure sasama yun at kapag sumama yun,baka hindi ko na siya magalaw kapag kasama ko na si Philip.Ayaw ko namang iparamdam sa kanya na invisible siya sakin kaya wag na.

Mabilis lang akong nag-breakfast.Natapos ako ng 7:30.Gising na din ang driver namin kaya sa kanya nalang ako nagpahatid papunta kina Philip.

Habang nakasakay ako sa kotse ni Mommy na ginamit namin,puro tanong ang umiikot sa aking isipan.

Ano na kayang itsura ni Philip ngayon? Namatay na yung girlfriend niya,pati yung tunay niyang nanay namatay pa.Lord,bakit si Philip ang pinaparusahan niyo ng ganito? Bakit hindi nalang ako? Bakit hindi nalang ako ang parusahan niyo? Bakit kailangan si Philip pa na wala namang kinalaman sa kasalanang nagawa ko?

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon