Chapter 15: Nandito

53 1 0
                                    

Nagsimula na ang party.Kung ano-ano pang sinabi at inanaounce ng emcee kaya medyo natagalan.

Nandito si of course si Philip at sio Dexter.Sinadya kong hindi muna magpakita sa kanila lalo na kay Dexter at baka talaga kung ano pang magawa sa kanya.

Nung kumakain na,nilapitan ko si Philip na umiinom ng wine mag-isa sa tabi ng food table.

"Philip." tawag ko.Hinarap niya ako."May I talk to you for a moment?"

"Sure." aniya at binitawan ang kanyang wine glass.

Pumunta kami sa garden nila.

"What's this all about?" nakangiting tanong niya.

"Before that...Umm,nasan pala si Audrey? Hindi ko na kasi siya nakita kanina pagkatapos ko siyang batiin bago magsimula ang party."

"Ah,nandun siya sa mga guest kasama mga parents niya."

"Ah so ganun pala.This is our topic,by the way." sabi ko."Philip,I..I..I can't promise you what you said last day."

"What?" aniya.

"I'm sorry,Philip.But I really can't.There's something bothering me." sabi ko naman at yumuko.

"And what is that?" tanong niya.

"This." sabi ko at hinalikan siya.

Malay ko ba bakit ko ginawa yun! Nagising nalang ako sa katotohanan nung magkalapit na ang mga labi namin.Kahit na gusto kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong mali ito,hindi ko magawa dahil parang naka-super glue na ang labi ko sa labi niya.

Ipinikit kong muli ang aking mga mata habang ramdam ko ang init ng labi niya habang siya ay nakamulat ang mata dahil sa gulat.

"Mga walanghiya." napahiwalay nalang ako dahil sa narinig kong napakapamilyar na boses.

"A-A-Audrey.." nanginginig na pagbanggit ko sa kanyang pangalan."A-Audrey let me e-explain—" sinubukan kong hawakan siya pero inilayo niya ang sarili niya sakin.

Tapos biglang *PAK!* sinampal niya'ko.Sa sobrang lakas ng sampal niya,napaatras ako at muntik nakong matumba.Napahawak nalang ako sa pisngi kong sigurado akong parang kamatis na sa sobrang pula.

"Babe,please stop." rinig kong sabi ni Philip.

"Walanghiya ka,Sofia!" aniya at nilapitan ako at muling sinampal ang kabilang pisngi ko.

Muli na naman akong napaatras at this time,natumba na talaga ako.

"Napakawalanghiya mo! Tinuring kitang kaibigan! Best friend pa! Tapos ngayon ang habol mo lang pala ay yung boyfriend ko! Ahas ka! Tarantado! (Sorry for the bad words.) Ibang klase kang best friend,Sofia! 3 in 1! Ahas,walanghiya,at manloloko na iisang tao lang! Simula ngayon nandidiri nako sayo! Kadiri ka!" aniya.Pulang-pula na din ang kanyang mukha at lumalabas na din ang kanyang mga ugat.

"I-I-I'm s-so s-s-sorry,Audrey." sabi ko habang nakahandusay pa din sa lupa at dahan-dahang umiiyak.

"‘Sorry’?! Tanga ka ba?! Sa ginawa mong paghalik,pang-aahas mo sa boyfriend ko at panloloko sakin sa tingin mo maibabalik ng ‘sorry’ mong yan ang tiwala ko sayo?!" aniya,kitang-kita ko ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata.

"A-Audrey,s-sorry talaga.S-Sinubukan ko namang p-pigilan eh.K-Kaso,h-h-hindi ko t-talaga k-k-kaya."

"Hindi mo napigilan? O kaya sabihin mo nalang kase na hindi mo talaga pinigilan na ahasin ang boyfriend ko!"

"A-Audrey,b-bes—"

"Wag mo'kong matawag-tawag na bes dahil hindi na kita best friend! Akala mo ba ganun lang kadali na patawarin ka sa lahat ng ginawa mo sakin?!" aniya,hinawakan ko ang kamay niya pero agad niya itong inilayo sakin."Don't touch me you brat!"

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon