Chapter 6: Medicine

60 2 0
                                    

Halos mawalan na ng hininga si Philip dahil sa pag-aalala nung makababa na si Audrey at sobrang putla niya.

Agad naman siyang dinaluhan ni Philip."Parehas talaga kayong mag-best friends,matitigas ang ulo." sabi niya habang inaalalayan si Audrey.

"Sofia." tawag ni Ate Sheena kasama si Ate Mina na papalapit sakin.

"That was great!" sigaw ni Ate Mina sa saya.

" 'That was great'?! " biglang pag-uulit naman ni Philip na nasa likuran nila."Ate Mina muntik nang mapahamak si Audrey dahil sa ginawa niyang pagsakay diyan tapos sasabihin mo pang 'That was great'?" medyo galit na sabi ni Philip.

"Uh-uh-uh." sabi ni Ate Mina habang umiiling."Pinigilan namin siyang dalawa ni Sheena kanina pero nagpumilit siya kaya wag ka samin magalit." sabi pa niya.

Nagdikit naman ang kilay ni Philip bago muling ibinalik ang atensyon kay Audrey na ngayon ay sobrang pagod na't hinahabol ang kanyang hininga."Are you okay,babe?" tanong ni Philip.

Dahan-dahan namang tumango si Audrey."Y-Yeah,I-I'm okay."

"Sofia." pagtawag naman ni Ate Sheena.

"Hmm?" matamlay na sabi ko.

"Anong nangyare kanina?" tanong ni Ate Mina.

Kinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyare.Tumili sila after nun pero agad namang tumahimik.Hinanap ko sina Audrey at Philip at nakaupo silang dalawa sa isang bench na medyo malayo sa amin.

"Talaga?! Nangyare yun?!" sigaw ni Ate Mina.

"Nakakakilig yun! Sobra!" dagdag pa ni Ate Sheena.

Napabuntong-hininga nalang ako."Ate Mina hinawaan mo na talaga 'tong si Ate Sheena,ano?" tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Ahehehe.." sabi lang ni Ate Mina at tumingin kay Ate Sheena.

Napa-face palm nalang ako."Hay nako,kaya pala ganyan kayo kabaliw." sabi ko't iniwan sila.

Lumapit ako kay Audrey na ngayon ay kumakain na ng burger kasama si Philip."Bes." pagtawag ko at silang dalawa ang humarap.Aminin niyo nga,kailan pa naging 'Bes' ang tawag ko kay Philip? -_-

"Bes!" masayang sabi ni Audrey."Upo ka dito." sabi niya habang tinatapik ang space sa tabi niya.

Dahan-dahan naman akong umupo at sumulyap kay Philip na ngayon ay nakatingin lang sa malayo."Okay kana ba?" tanong ko.

"Yep." sabi niya sabay kagat ng burger niya.

"Tumanggi ka nga sa Loop Coaster pero sa Drop Tower hindi?" tanong ko.

"Napasubo lang ako." sabi niya at bahagyang tumawa."Gusto mo?" tanong niya sabay lapit ng burger sakin.

Ngumiti ako at umiling."No thanks,busog pa ako."

"Okay,suit yourself." sabi niya lang.

"Uh,bes kailan nga pala yung birthday mo?" pambasag ko sa katahimikan.

"April 26." sabi niya habang nakangiti.

"Talaga? Malapit na pala." sabi ko't yumuko.

"Uh-huh.Eh sayo? Kailan?" tanong niya naman.

"Matagal pa.August 15." sabi ko naman.

"Okay!" sabi niya't nagpatuloy sa pagkain.

After nun,hindi na kami sumakay,nanood lang kami sandali at pumasok na ulit sa mall.Pumunta na kami sa next stop namin,supermarket.

"Grab your baskets!" sigaw ni  Ate Mina at kumuha ng sa kanya.

Nagsikuha na din kami.Gusto pa kaming ilibre ni Ate Mina pero tumanggi na talaga kaming dalawa ni Ate Sheena.Nakakahiya!

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon