Chapter 3: Calm down

69 3 0
                                    

"Nandito ka na pala,Sofia.Mom told me and Kuya Jordan na nakipag-'double' date ka daw.Masaya ba?" sunod-sunod na sabi ni Ate Sheena.

"At—"

"Oo nga pala,asan yung boyfriend mo? Maya-maya darating na yung girlfriend ko." pagsingit naman ni Kuya.

"Will you please stop?!" sigaw ko dahil naiirita na talaga ako."Gusto kong magpahinga! Out muna ako sa mga tanong niyo pwede ba?!" sabi ko't hinarap si Kuya.

"Tawagin niyo nalang ako kapag nandiyan na yung girlfriend mo,Kuya." sabi ko't dumiretso sa kwarto ko.

Ni-lock ko ang pinto at binalibag ko ang dala kong shoulder bag sa mini sofa sa aking kwarto at ibinalibag ko din ang sarili ko sa aking kama.Hinayaan kong tumulo pa ang mga luhang na-postpone kaninang makaharap ko sina Ate and Kuya.

"Philip.Ang negative mo masyado!" sigaw ko at pinagsusuntok ang mga unan ko.

"Sofia? Sofia?!" rinig kong tawag ni Ate mula sa kabilang pintuan."Sofia,are you okay?!" I can sense that she's worried.

Mabilisan ko namang pinunasan ang mga luha ko."I'm okay ate!" sabi ko nalang.

"No! You're not sounds like you're okay.Open the door!" wala na akong nagawa kaya binuksan ko na ang pinto.

"Ate I told you,I'm okay." sabi ko nang makita siyang nakatayo sa tapat ng pintuan.

Ni hindi nga ako makatingin sa kanya't nakayuko pa ako."Heads up." sabi niya.

She sounds really serious.Kaya unti-unti akong nagtaas ng tingin."Oh my God,Sofia! What happened?! Why are you crying?!" tanong niya at pumasok at nilock uli ang pintuan.

"A-Ate.." I trailed off.

Hinaplos niya naman ang likod ko."You know what,Sofia? I'm your sister,we're both girls.We feel the same way.Kaya pwede mong sabihin sakin ang nagpapabigat sa loob mo." she said."Tell me,what's the problem? Is it about your love life?"

Unti-unti naman akong tumango."Hmm..Okay then,sino ang lintik na lalaking nagpaiyak sa isang Sofia Thiana Alverro?"

"His name..Is Philip ate,Philip John Daviss." panimula ko."Crush ko siya.Simula nang makita ko siya,my heart decided that I love him.But it turned to be more complicated.N-Naging best friend ko yung g-girlfriend niya."

"What?! May girlfriend na siya?! At naging best friend mo pa!" sigaw naman ni Ate.

Tumango naman ako."Hindi niya pa alam ang pagkakagusto ko sa boyfriend niya.H-Hindi ko siya matanggihan Ate.She's very k-kind."

Rinig ko naman malakas na pagbuntong-hininga ng aking Ate."Well,in your case Sofia,that's a bit hard.So ano? Hindi ka ba naaapektuhan sa friendship niyo? Hindi ka ba naiilang dahil nakakasama mo ang boyfriend ng best friend mo na crush mo."

"Now,that's the problem Ate!" medyo tumaas ang tono ng aking boses at natulala si Ate."S-Sinigawan niya ako kanina sa double date." nakayukong sabi ko.

"What?! What did he say?!"

"Sinabi niya na..Ginagamit ko lang daw si Dexter which is kapatid niya,dahil mukha daw a-akong pera." sabi ko.

Tumayo naman siya."How dare he?!" sigaw niya at hinawakan ko nalang ang kamay niya.

"Ate please! Don't tell anyone about this!"

"Of course! Basta gaganti ako! Kaklasi mo ba yang Philip na yan?! Susugurin ko bukas!" God! She's really in a beast mode.

"No! No Ate! I-I can handle it m-myself." nahihiyang sabi ko.

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon