Chapter 4: Indirect kiss

64 2 0
                                    

Sa buong biyahe,nanginginig lang ako.Sumusulyap din ako kay Ate Sheena na ngayon ay kalmado na at busy sa cellphone niya.Ni hindi ko alam kung anong mukha ang ipapakita ko kay Philip.Heto pa anh masaklap,baka kasama niya si Audrey or si...Dexter. O_O

"We're here." anunsiyo ni Ate Mina at mas lalo kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib.

"Sofia." pagtawag niya kaya napaharap ako."Okay ka lang? Kanina pa kita napapansing hindi mapakali.Napansin ko ding kanina ka pa nanginginig at namumutla.Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?"

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng kaba ko."I'm okay,Ate Mina.L-Let's go?" nakuha ko pa talagang pangunahan si Ate Mina sa pagyayang pumasok sa loob.

"So,where should we meet them?" biglang tanong ni Ate Sheena.

"Sa labas ng National Bookstore." nakangiting sagot ni Ate Mina.

As usual,ganun pa din ako,nanginginig.

"Ay palaka!" sigaw ko nang maramdaman ko bigla ang isang kamay na humawak sa kamay ko.

"Oh Sofia,chill.Ako lang toh." sabi ni Ate Sheena.

"I-I'm n-nervous,Ate S-Sheena.H-Hindi ko alam kung anong m-mukha ang ihaharap ko sa kanya pagkatapos ng mga masasakit na salitang nasabi ko sa kanya?" nauutal na tanong ko.

"Show them the real face of Sofia Thiana ALVERRO." diniinan niya yung 'Alverro'."Ipakita mo yung mukha ng isang tunay na Alverro na palaban.Yung hindi martyr.Tsaka,ikaw na nga yung binastos ikaw pa yung natatakot? Are you serious?"

Napabuntong-hininga naman ako."You're right,Ate.Kilala ang mga Alverro bilang matatag na tao.Sila yung palaban at hindi mahina." sabi ko trying to gain energy.

"That's right.Harapin mo yang Philip na yan with your full confidence.Basta wag ka lang maiinis dahil ikaw ang magmumukang guilty.And,hindi na din ako gaganti.I will let you win your fight." sabi ni Ate at mas lalong tumatag ang loob ko para harapin si Philip.

But my love for him keep preventing me.Mahal ko si Philip kaya ako nahihiya.Nawawalan ako ng lakas ng loob kapag nandiyan siya.Ni hindi nga ako makatitig sa mga mata niya kapag galit siya.Malay ko ba kung saan ko nakuha yung lakas kong makipagsagutan sa kanya dun sa restaurant.

"Oh! There he is!" biglang sabi ni Ate Mina at kumaway.I'm sure na si Philip ang tinutukoy niya."Come.Lapitan na natin." sabi niya't tumingin sakin.

Hinawakan naman ni Ate Sheena ang kamay ko,as a sign of "You can do it.".

"Hi Philip!" pambungad ni Ate Mina.

"Hi Ate.You didn't told me that you're bringing a stranger with you." sabi niya't sumulyap sakin pero agad niya naman itong ibinalik kay Ate Mina.

"What? Philip,she's not a stranger.They are not strangers.This is Sofia,she's Jordan's sister." pagpapakilala ni Ate Mina at hinawakan pa ang likod at kamay ko.

"Whatever." sabi nalang ni Philip at nag-"annoyed" look."Oh! Nandito ka na pala!" biglang sabi niya't napatingin nalang ako sa direksyon na kanyang tinitignan.

"Babe!" sabi ni Audrey at yumakap sandali kay Philip.

"Tignan mo,nagdala ka din pala." sabi naman ni Ate Mina.

"But she's not a stranger.Tsaka wala akong kasama." supladong sabi naman ni Philip.

"Sofia!" sigaw ni Audrey at niyakap ako.Kita ko ang paglaki ng mata ni Philip dahil sa gulat kaya niyakap ko na din si Audrey."What a coincidence!" masayang sabi niya.

"Yeah.It's nice seeing my best friend here." sabi ko nang naka-smile.O baka "fake" smile.

"Best friend?" sabi naman ni Philip.

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon