Special Chapter #4

55 1 0
                                    

Hinayaan ko nang tumulo ang pangatlong batch ng mga luha ko.

"All this time...s-siya lang pala ang m-mamahalin mo ng lubos?"

"P-Philip...I'm sorry!"

"‘Sorry’?! For what?! Tss,I don't accept apologies from the person who hurt me." matigas na pagkakasabi ko at natigilan naman siya.

"Philip--" sinubukan niya na namang hawakan ang kamay ko nung iiwas ko na naman ito.

"Don't touch me!" inis na sigaw ko na dahilan para pumatak na din ang mga luha niya.

"What's happening here?! You're disturbing-- S-Sofia? P-Philip?" biglang sumulpot si Philiss.

Inis ko siyang hinarap."Masaya kana ba,Philiss? Nakuha mo na siya.She'll all yours.Her love,her body,her trust,her everything that became mine.All yours." sabi ko.

Ngumisi siya.

"P-Philip..please forgive me...N-Naattract lang talaga ako s-sa kanya.P-Please...m-matagal kong hinintay ang p-pagkakataong m-magkatuluyan t-tayo.P-Please..."

"Ha! Wahahaha!" sarkastikong tawa ko at hinarap siya ng diretso sa mata."‘Na-attract’?! Very impressive reason,Sofia! But sorry,I don't give a shit." sabi ko na lalong ikinagulat niya."Live together,be happy together." pilit na ngiting sabi ko at bumaba.

Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko habang ako ay lumalakad at patuloy din ang pagpupunas ko sa mga ito.

Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at ang susi ng kotse ko.Mabilis din akong lumabas,iniwan sila,at pumasok sa kotse ko.

Doon ako nagwala nang nagwala.

"Waaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" inis na sigaw ko."Bakit siya pa?!!! Ipinagpalit mo'ko sa isang Philiss Josh Daviss na mala-demonyo ang ugali?!!!!!"

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago napagdesisyunang i-start ang kotse.

Ipapasok ko na sana ang susi nung biglang...

"PHILIP!!!" rinig kong sigaw ni Sofia.

Lumingon ako at nakita ko siyang pilit na pinupuntahan ako pero pinipigilan siya nina Dexter at Drion.

"Tss.." sabi ko lang at tuluyan nang nag-drive.

Hindi ko alam kung paano ako nakakapag-drive ng maayos dahil sobrang dami ng iniisip ko.

Kung bakit si Philiss pa.

Kung bakit niya'ko pinagpalit.

Kung ano ba ang mga pagkukulang ko sa kanya.

Kung bakit naglihim siya.

Kung bakit mas pinili niya si Philiss kesa sakin.

Hanggang sa huminto ako sa harap ng sementeryo kung saan nilibing si Audrey.

Hindi ko matanaw mula dito ang puntod niya dahil may pagkalayo ito sa entrance.Kaya lumabas ako sa kotse ko at tumingala.

Babe,bakit hindi mo man lang ako binalaan? Bakit pinabayaan mo'kong masaktan? Bakit?

Tapos bigla akong nakaramdam ng nga likidong pumapatak sakin.Hanggang sa ito'y lumakas.

Kapag sinuswerte ka nga naman oh.Nakikisama ang panahon sayo.

Bigla kong naramdaman ang pagv-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko pero binalewala ko lamang ito.

Tss,hinahanap nila ako...

For now,wala akong masasandalan.Lahat ng mga kakilala ko ay involve dito,at yung iba,wala naman ding alam.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta...

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon