Chapter 14: This is it

43 0 0
                                    

Kung naaalala niyo pa yung gagawin kong kanta para kay Dexter,pwes nabura lahat ng yun dahil sa ginawa niya! Ako pa 'tong nag-alala sa kanya na baka galit siya at ngayon bigla-bigla nalang siyang aamin ng feelings sakin at hahalikan ako sa harap ng kuya niya na alam niyang mahal ko!

Bwisit ka Dexter! Kahit na ipangako ko naman kay Philip na mamahalin ko si Dexter,parang hindi ko kakayanin!

Nasusuka nako dahil sa mga sariling sinasabi ko! Kadiri! Hanggang kaibigan lang kasi talaga ang turing ko kay Dexter hindi kai-bigan!

Napagdesisyunan ko nang pumasok dahil fifteen minutes nalang din at magsisimula na ang next subject namin.

Nung pumasok ako,parang nasa kalahati palang namin ang nandito.

Nung maaninag ko naman ang mukha ni Dexter,nawalan ako ng ganang pumasok sa room na yun.Nginitian naman ako ng loko.Tinarayan ko lang siya at dumiretso sa upuan ko na malapit kay Eunice.

"Psst!" ani Eunice.

Tamad akong makipag-usap sa kanya kaya hindi ko siya pinapansin.

"Huy,Sofia." tawag niya pa,this time,tinapik niya na ang balikat ko.

"Sofia—" this time,hindi ko na pinalagpas pa.

"Pwede ba Eunice!" sigaw ko at hinarap siya.Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat at pati ang mga kaklasi kong nandito na ay nakatingin na sakin."Wag mo—niyo! Muna akong kausapin! Wala ako sa mood makipag-usap! Marami akong problema! Kaya pwede ba tigilan niyo muna ako!" sigaw ko at padabog na umupo.

Nag-start na ang klase namin.Mabuti nalang at tutok nako ngayon sa topic kaya kahit na limang beses nako tinawag ng lecturer namin ay nakasagot ako.

DISMISSAL!!!

Sa sobrang atat ko na mapag-isa,ako ata ang unang lumabas ng room.

Dumaan lang ako sa canteen para bumili ng bottled watter at ng chips para snacks ko dahil hindi naman ako didiretso agad sa bahay dahil tatambay muna ako dun sa park.

Ayaw ko din kase talagang umuwi dahil wala naman silang maitutulong sakin.Puro tanong kung kamusta ang school.Hayy..

Kakabayad ko lang.Inilagay ko sa bag ko ang tatlong chips at dalawang bottled water.

Nung mapansin ko sina Eunice,Dexter,Philip,at Audrey na papasok sa entrance ng canteen,agad akong lumabas na sa exit.Nasa magkabilang dulo kasi ng canteen ang entrance at exit at malayo ang pagitan ng mga ito kaya hindi nila agad ako mahahabol.

Dumiretso ako sa park at umupo sa bench kung saan ako umupo kanina.Walang tao sa park,hindi ko alam kung bakit.Ni hindi nga makulimlim eh.

Binuksan ko yung isang malaking pack ng Cheetos at agad ko yun'g sinugod.

Sa gitna ng pagkain ko,naisip ko na naman yung mga sinabi ni Philip sakin kanina sa cafeteria.

"Do not hurt my brother."

"Wag mo siyang sasaktan or papaasahin."

Naramdaman ko ang mga luhang tumakas mula sa aking mga mata.

"Do not hurt my brother."

"Wag mo siyang sasaktan or papaasahin."

"Do not hurt my brother."

"Wag mo siyang sasaktan or papaasahin."

"Do not hurt my brother."

"Wag mo siyang sasaktan or papaasahin."

"Do not hurt my brother."

"Wag mo siyang sasaktan or papaasahin."

"Do not hurt my br—"

My Secret Leading ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon