Sinunod ko ang utos ng nurse pumasok ako sa loob paramag bihis at ayusin ang aking sarili pagkalabas ko sinundan ko ang nurse pagdating namin sa isang kwarto binuksan nya at pumasok na ako pagpasok ko may nakita akong 3 babae ang isa may hawak na sketchpad ang isa naman ay may hawak na puting stuff toy nanunuod ng tv at yung isa ay tumayo sa pagkakaupo at lumapit sakin
"May bago pala tayo dito" nakangisi napatingin naman sakin ang dalawa
pero parang di sila baliw kung titingnan
inakbayan ako ng isa
"Bitiwan mo sya " sabi ng babaeng may hawak na sketch pad
binitiwan nya ito
"hinahawakan ko lang naman sya"
at naglakad na papalayo habang sumisipol
napaisip ako bakit nya ako pinabitaw
tumayo yung babae na may hawak ng sketch pad at lumapit sakin
"sumama ka sakin" ngiti
napatingin ako sa kanya hindi sya naka hospital dress
hinawakan nya ako sa kamay at hinila papalabas kung saan pumunta yung babae kanina
habang naglalakad napatingin ako sa paligid
"Garden"
bigla syang huminto
"ou ako nga pala si Denise" humarap sya sakin
"Yana" tugon ko parang di sya baliw
nakangiti padin sya
"halika upo tayo doon" turo nya sa may bench sa gilid ng puno
sinundan ko sya
pagkaupo namin binuklat nya ang dala nyang sketch pad
"pwede ba kitang iguhit" napatingin ako sa mukha nya at tumango ako
"Yung babae kanina sya si sunny"
gumuguhit
"bakit mo pala ako pinalayo kay sunny" frown
"hindi pa kasi sya tuluyang magaling"
"oh"
"at yung isa yung may hawak na stuff toy sya si lizaine wag kang matakot sakin"
tumigil sya sa pagguhit at tumingin sakin
nahalata nya ata na parang nababahala ako
at hinawakan nya ako sa kamay
"dahil magaling na ako 5 araw nalang lalabas na ako dito" ngiti
BINABASA MO ANG
ANGELA CLAIRE
De TodoAko si Yana Shin Ledesma 19 years old hindi ko inaasahan na magising sa isang hospital para sa may mga diperensya sa pag-iisip akala ko nung una isa lang ito sa aking masamang panaginip at magigising din maya-maya pero mali pala ako totoo ito pano a...