CHAPTER 23-Sikreto

109 1 3
                                    

pagkatapos ng check up ko Kay dok ay pinuntahan ko si Lizaine para tanungin kung nakita nya si Sunny kasi ang sabi sakin ni Nurse Rona ay magkasama daw sila ni Lizaine kanina  nung pagpasok ko sa loob

ay nakita ko walang tao pero bukas ang TV 

"hindi ata pinatay ni Lizaine ang TV " sa isip at pinatay ko na ang TV

pagpatay ko ay may narinig akong humihikbi kaya sinundan ko ang tunog na yun

si Lizaine pala ang umiiyak  na yun yakap yakap nya ang kanyang puting stuff toy

nakaupo siya sa likod ng sofa  nilapitan ko sya umupo ako sa tabi

"Lizaine anong nangyari ?"

sabay tapik sa kanyang braso

napatingin sya sakin

"Ate Yana " sabay yakap sakin

"shhhh bakit ka umiiyak ?" pagtataka ko

'ate wala na si Ate Denise at Sunny nakita ko kahapon " hikbi

nagulat naman ako sa sinabi nya kumawala ako sa pagyakap at hinawakan sya sa magkabilang balikat

" Hindi kita maintindihan bakit wala ? anongnangyari ?"

"patay na siilang dalawaa nilibing sila sa may bakanteng lote sa likuran "  hikbi

gulat na gulat ako Hindi ako makapagsalita sa nalaman ko

"Ako na ang susunod atee ayaw ko pang mamatay ayaw ko na ditoo " 

isa lang ang tumatakbo sa Isip ko

gusto ko na ding umalis dito 

"Lizaine pwede nating lapitan ang " Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang magsalita sya ulet

"wala tayong ibang kakampi lahat sila magkasabwat dito " nanginginig sya 

pinunasan ko ang kanyang luha sa magkabila nyang pisngi

hinintay ko syang kumalma 

at nung bahagya na syang kalmado ay nagtanong na ako sa kanya

"Bakit nga ba iniisa tayo ni Angela lizaine ?" 

"kaasi " nabubulol

'sabihin mo na "

tumingin muna sya sa magkabilaan pumikit sya at napabuntong hininga bago nagsalita

"kasi ate Si Angela dati mabait sya samin naging magkaibigan kami

pero nung lumipas ang 1 taon ay nagbago na sya lagi na nya akong sinasaktan  pero andyan si ate Denise at Ate Sunny para pagtanggol ako sa kanya pagkatapos nun gumagawa sya ng mga Hindi totoong kasiraan laban saming 3  sinasabi nya Kay Dok at nurse Rona yun  tapos naniwala naman sila  nun 

at nung napikon na si Sunny at Denise  gumawa sila ng plano  para

takutin sya pero aksidente syang napatay  " lumakas ang higpit nya sa stuff toy  at nanginginig  sya  nagsisimula sya ulet na umiyak

yayakapin ko sya

"Ateee"  biglang may humila sa kanya papaatras  ng malakas

napasigaw sya ako naman napatayo ako

"Lizaine" hiyaw ko  habang hinahabol ko sya

nung nasapader sya ay bigla syang lumutang

"Aate Yanaa" takot na takot  

nung makalapit ako

"Angela bitiwan mo sya " sigaw ko

bigla namang bumaba si Lizaine nanlaki ang mata nya

"ate Yana sa taas mo "

biglang may bumagsak sa ulo kong mabigat na bagay na biglang nagpawala sa king ulirat

bago ako nawalan ng Malay ay narinig ko ang sigaw ni lizaine

ANGELA CLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon