Sunny POV
Habang naglalakad kami ng tahimik papunta
sa kwarto ng doktor nagkaron na ako ng lakas ng loob para mag salita
"Bakit ka bumalik ?"
bigla naman syang huminto at humarap sakin andun padin ang
kanyang mapagpanggap na ngiti
"Hindi mo ba ako na miss Sunyshine "
bigla akong nakaramdam ng galit
nakagat ko ng napakalakas ang aking ngipin at napakuyom ako ng kamay
"Wag mo akong tawagin ng ganyan " sigaw ko
"Diba gustong gusto mo ang pangalan na yun Sino nga ba ang nagbigay sayo nun ?" napahawak sya sa kanyang baba animoy nag iisip
"Oo si Angela Claire " biglang nawala ang ngiti nya
"Tumahimik ka " sigaw ko ulet
hinawakan nya ang magkabila Kong braso at lumapit para bulungan ako
"Pagbabayaran nyo kung anung ginawa nyo sa kanya "
inalis ko ang kamay nya saking magkabilang braso at humakbang ng isa para umatras sa kanya
"Kasalanan nya yun kaya namin nagawa yun sa kanya " nanginginig Kong boses
bigla naman akong nakarinig ng isa pang boses na tumawag sa pangalan ni Nurse Rona kaya napalingon sya dito
"Nurse Rona andyan lang pala kayo kanina pa kayo hinihintay ng doktor doon"sabi ng isang lalaking nurse
"pasensya na kayo " sabay ngiti nya at hinila na ako ng diretso
habang papalakad ay nilampasan namin ang kwarto ng doktor
bigla akong napahinto
napahinto din si Rona
"asan tayo pupunta ?" naguguluhan kong tanong
humarap sya at ngumiti
"Sa ikatlong palapag"
nanlaki ang aking mata
"ayaw ko " nanginginig kong sagot
hinila nya lang ako
ayaw ko nang bumalik doon
bigla akong nagpumiglas para makawala sa hawak nya
nung nakawala naman ako bigla akong napatakbo papalayo sa kanila narinig ko ang boses ni Rona na sumisigaw para bumalik ako
Hindi ko sya pinakinggan nagpatuloy lang ako sa pagtakbo
pero biglang may himawak sa kanan Kong braso at tinulak ako napasampa ako sa pader
nagpupumiglas ako pero ang lakas ng humawak sakin
"Bitiwan nyo ako " sigaw ko
at may bigla akong naramdaman na tumurok sa tabi ng batok ko
tagal tagal ay naramdaman kong
ang pagbigat ng hininga ko naramdaman ko din ang untiunti Kong panghihina at pagdilim ng paningin
ang huli Kong narinig ay ang boses nya bago ako tuluyang nawalan ng ulirat
+-----
Strawberry 112
BINABASA MO ANG
ANGELA CLAIRE
RandomAko si Yana Shin Ledesma 19 years old hindi ko inaasahan na magising sa isang hospital para sa may mga diperensya sa pag-iisip akala ko nung una isa lang ito sa aking masamang panaginip at magigising din maya-maya pero mali pala ako totoo ito pano a...