Sunny POV
Guminhawa ang pakiramdam ko nang malaman ko na buhay papala si Denise sinandig ko ang likod ko sa pader
"Denise Akala namin patay kana " mahina kong tugon
napansin kong ngumiti sya pero malungkot sya
"Sunny alam kong Gusto mo nang matulog " sagot nya sakin at inalalayan ako papunta sa higaan
para mahiga
"tulog kana " bulong nya parang kakaiba si Denise ngayon pero sinunod ko sya
kaya pinikit ko na ang aking mata hanggang sa makatulog ako
Time skip ----
minulat ko na ang aking mga mata
madilim na pala sa kwarto
ilaw lang galing sa buwan ang liwanag dito sa kwartong to
medyo masakit pa ang aking ulo
agad kong hinanap si Denise
tumayo na agad ako sa kamang hinihigaan ko
"Denise " Hanap ko sa kanya
paulit ulit kong sambit
nung walang sumagot napaisip ako nakaalis kaya sya sa kwarto ? nang makapa ko ang switch sa pader ng kwarto at pinindot ko na iyon nung sumindi na ang ilaw galing sa bumbilya sa kwarto
bigla kong napansin na may natapakan akong basa
nanlaki ang mata ko kulay pula ito napatingin ako sa tabi ko napatakip ako
agad ng bibig habang naka sigaw
at biglang nanlambot ang aking paa kaya napaupo ako bigla
"Denise "sigaw ko
si Denise nakatakip ang buong mukha ng Sako naliligo sya ng dugo at may nakatali sa kanyang leeg na tali na mahigpit pinilit Kong tumayo at agad akong lumapit kay Denise bigla kong naramdaman lumuluha ako di ko mapaliwanag ang aking nararamdaman ngayon nanginginig ang aking kamay
"Denise " sagot ko habang umiiyak
Bigla naman bumukas
ang pinto narinig kong may pumasok at nagsalita
"Nagustuhan mo ba ?" kilalang kilala ko kung kanino ang boses na yun walang duda Kay Nurse Rona
bigla akong nakarandam ng sobrang galit
napatayo ako at humarap sa kanya
"Bwisit ka Demonyo ka " nanggagalaiti kong sigaw at sinugod ko sya pero biglang may humila sa kin at humapas
ako nang napakalakas sa pader bigla ko naman narinig siyang Tumawa bigla Kong ininda ang sakit na king naramdaman
habang tumatawa sya ay maynaaninag ako sa kanyang tabi
nanindig ang aking balahibo
at nakaamoy ng rosas bigla Kong naalala ang Amoy nayun yun ang amoy ng pabango ni Angela
"Angela" bulong ko sunubukan Kong tumayo pero nahihilo talaga ako dahil sa paghampas sakin naramdaman ko naman
ang paglapit ni Rona napatingala ako Hindi pala si Rona ang lumapit sakin kundi si Angela nakangiti lang sya nang nakakaloko nakakatakot
talaga ang mukha nya
may hawak syang malaking pala
"Wag " sigaw ko susubukan kong takpan ang ulo ko pero Hindi ko magalaw ang kamay
ko napapikit nalang ako at naramdaman ang paghampas ng napakalakas ng dala nyang pala saking ulo
BINABASA MO ANG
ANGELA CLAIRE
RandomAko si Yana Shin Ledesma 19 years old hindi ko inaasahan na magising sa isang hospital para sa may mga diperensya sa pag-iisip akala ko nung una isa lang ito sa aking masamang panaginip at magigising din maya-maya pero mali pala ako totoo ito pano a...