Umaga nanaman wala padin akong
nalalaman sa pagkawala ni Denise
at nadagdagan lang ang mga tanong saking isipan
napakamot nalang ako ng ulo
at napabuntong hininga
pagkatapos nun ay naghanda na ako pagkatapos ko magbihis
ay saktong may kumatok saking pintuan pagkatapos nun ay pumasok na sya at binigay na ang aking umagahan hinintay nya ako matapos kumain
"Heto " strikto ang boses nya pati din ang pagmumukha nya inabot nya sakin ang dalawang puting tableta at isang baso ng tubig
naku parang di ko ata sya maloloko
kasi binabantayan nya talaga ako
kaya wala na akong nagawa
pagkatapos kong inumin ang dalawang tableta at ang tubig inexamin nya naman ang aking bibig
pagkatapos nun ay pinasama nya ako papalabas sa 2nurse para ihatid sa lugar kung nasaan ang doktor
pagpasok ko sa loob ay dumiretso na ako sa lamesa nya para batiin sya pinaupo nya naman ako
at tinanong
pagkatapos ng ilang mga tanong at sagot ay pinalabas na nya
ako paglabas ko sa kwarto ay napagdesisyonan ko na puntahan sina Sunny
nung malapit na ako sa kwarto ay narinig ko na ang boses nila
mukhang nagkakatuwaan sila
at may narinig pa akong isang
boses
napahinto ako
"ang Boses na yun parang Kay tama Kay Denise nga yun" nakaramdam ako ng tuwa kaya nagmadali na akong lapitan at buksan ito
"Denise asan ka ba" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang
makita kong wala palang tao sa kwartong yun
naglakad nalang ako ng diretso
"Baka nasa garden sila pumunta" bulong ko saking sarili
kaya pumunta ako sa garden
pagpunta ko ay wala ding tao doon
"Denise,Lizaine,Sunny" nilakasan ko ang aking boses pero wala pading sumasagot naglakad pa ako at tinatawag ko padin ang pangalan nila hanggang sa makarating ako sa dulo
kaya napag desisyunan kong bumalik nalang sa loob
pagbalik ko sa loob ay hinanap ko ulet sila
napapansin ko ay ang tahimik ata
kaya babalik nalang ako
sa kwarto ng doktor para tanungin ito pero bigla kong naisip ang sinabi sakin ni Lizaine na wag magtiwala sa doktor
pero tatanungin ko padin kaya pumunta na ako doon
nung makarating na ako doon at kumatok muna ako bago pumasok
hindi ko mabuksan
ang pinto naka lock
wala ang doktor pati ang mga nurse din
napatingin ako sa hagdanan kung saan ako pinagnawalan na pumunta ni Sunny naisipan Kong lumapit dito paglapit ko doon ay
narinig ko nanaman ang kasiyahan ng tatlo
"huh andun sila"
kaya umakyat na ako papunta sa ika3palapag
pagdating ko doon ay parang biglang humangin napansin ko naman ang pagsara at pagbukas ng isang pinto dahil sa hangin
kaya lumapit ako doon paglapit ko ay biglang may bumulong nanindig nanaman ang balahibo ko
nung binuksan ko ang pinto ay
nagimbal ako at natakot saking nakita napatakip ako ng bibig habang napasigaw
Si Denise nagbigti habang tumutulo ang dugo nya sa sahig ang daming dugo
bigla nanamang may bumulong
"Ikaw na ang susunod Sa kanya
Yana " kasabay ng bulong na yun
ay ang paghatak sakin mula saking dalawang paa napasampa naman ako sa sahig sumisigaw ako pero walang nakakarinig
saking boses
nahatak ako hanggang sa dulo ng ika3 palapag nung nasa dulo ako ay biglang himinto ang paghatak bigla akong napaupo napahawak ako saking malakas na kabog na dibdib
napatingin sa tabi wala pading tao
kaya napagdesisyunan ko nang tumayo at naglakad paglakad ko ay biglang may sumulpot saking harapan nangilabot ako ang drawing na nakakatakot ni Denise ang nakakatakot na mukha ni Angela biglang sumikip ang aking paghinga dahil sa parang sinasakal ako nakangiti naman siya ng nakakatakot Hindi nya ako hinahawakan pero nasasakal ako bigla akong umangat hanggang sa napasampa ako sa glass window
naririnig ko syang tumatawa ng napakalakas kasabay nito ay lalo pang pagsikip ng aking hininga walang magawa ang aking mga kamay
"Hahahaha paalam sayo Yana" yun na ang huli kong narinig nang
bigla akong nagising
napaupo ako bigla
ang lakas ng kabog ng aking dibdib
at tagaktak din ang aking pawis kasabay ay ang paghabol ko ng aking paghinga
pero nagpapasalamat ako
panaginip Hindi
Bangungot lang pala
BINABASA MO ANG
ANGELA CLAIRE
AcakAko si Yana Shin Ledesma 19 years old hindi ko inaasahan na magising sa isang hospital para sa may mga diperensya sa pag-iisip akala ko nung una isa lang ito sa aking masamang panaginip at magigising din maya-maya pero mali pala ako totoo ito pano a...