CHAPTER 10-Sketchpad

122 3 0
                                    

9:00am lumabas ng kwarto kasama ng nurse at 2 lalaki na nurse din ata

naglakad papunta sa silid kung nasaan sina Denise

bigla kong naalala bukas na pala makakalabas si Denise

magkahalong saya at inggit ang aking naramdaman

"buti pa si Denise

bukas makakalabas

na samantalang ako naman

hindi baliw pero andito

sa pasilidad ng

mga may problema

sa pag-iisip" sa isip

bigla akong  napabuntong hininga

at hayun nakarating na kami sa

silid

binuksan ng nurse ang pinto

at iniwanan na akong mag-isa

sa loob

pagtingin ko Si Sunny,at Lizaine

lang ang andoon pero

nasan na kaya si Denise?

pero napansin ko ang sketchpad

ni Denise na hawak ni Sunny mukhang busy silang manuod ng tv

lumapit ako kay Sunny

"Sunny nakita mo ba si

Denise?"

tumingala sya

"Wala" ngiti

i frown

"e bakit hawak mo yang

sketchpad nya?"

nawala naman ang ngiti nya

nakakatakot 

sya

tiningnan nya yung

sketchpad at bumalik ang

tingin sakin

ngumiti ulet

"eto ba pinabigay sakin

ng doktor kanina nung nanggaling

ako sa opisina nya"

at inabot sakin

kinuha ko naman at lumapit sa tabi

ni Lizaine inaatake nanaman ata si

Sunny

"Magandang umaga lizaine

pwedeng makitabi sayo"

ngiti

tumingin sakin tapos tumungo habang

nakangiti

umupo na ako bumalik naman ang tingin nya sa telebisyon

tiningnan ko ang

sketchpad saking kamay at

sinimulan nang tingnan ang mga

ginuhit ni Denise sa loob

unang pahina

ay yung guhit nya

sa sarili nya

pangalawa naman

Yung puno sa labas nang may

bench

pangatlong pahina

ginuhit nya si

Lizaine

sa pangapat naman

hindi ko kilala ang

babae pero may nakasulat sa Papel

at ang basa ko

"Angela" basa ko sa isip

heto pala si Angela ang kinakatakutan ni Lizaine at iniiwasan nilang pagusapan

nagtataka talaga ako

nilipat ko ulet ang pahina

ang panglima at pang anim ay

si Sunny at Ako

nilipat ko ulet

dito pumukaw ang aking atensyon

ginuhit nya ang labas ng kwarto

ko  pero may nakasulat

Angela's Room

nilipat ko ulet ang pahina

yun ulet ang labas ng kwarto

pero may nakatayong

babae  nanatatakpan ng medyo mahaba nyang bangs ang

kanyang mukha

pero Angela padin ang

nakalagay dito

nilipat ko ang susunod na pahina

Nanindig ang balahibo ko

mukha na sobrang nakakatakot

pero Ang nakasulat padin ay

ANGELA CLAIRE

sa takot at gulat ko natapon ko ang

sketchpad ni Denise

napatingin naman sakin ang dalawa

"Ate Angela Ayos ka lang?"

nagtatakang tanong ni Lizaine

ANGELA CLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon