ilang linggo ko nang hinahanap si Denise pero di ko padin siya makita
kahit yung mga nurse napagtanungan ko na
pero wala padin
pero naisip ko nadin baka totoo nga naman ang sinabi ng doktor
pero may nagsasabi na parte ko na wag akong maniwala
napahinto naman ako sa pag iisip nung may narinig akong tumawag saking pangalan
nasa harapan ko na pala sya pero
di ko napansin
"Hello ate Yana ang lalim ata ng iniisip mo" ngiti
masayahin talaga si Lizaine kung di nya naririnig ang pangalan ni
Angela
"ate pwedeng makiupo ako"
"ou naman lizaine pwede" hampas ko nang mahina sa bench na inuupuan ko
umupo naman din sya
nakatingin lang ako sa tapat ng building tahimik lang kami
ang naririnig lang ang mga huni
ng ibon at ang paggalaw ng
mga dahon
"ate Yana " mahinahon nyang sambit
napatingin naman ako sa kanyang direksyon
yakap yakap nya ang kulay puti nyang stuff toy
pero ang expresyon ng mukha nya
ay parang may gustong malaman
"ate yana may problema ba?"
halata siguro sa mukha ko napabuntong hininga ako at nagsalita
"mahigit isang linggo na kasing
na wawala si Denise "
"baka nakalabas na yun sya ate"
"ou pwede din pero diba dapat magpapaalam yun"
"ou pala dapat magpapaalam yun
si Ate Denise pero nagtanung
kana ba ate sa iba Kay ate Sunny?"
kumunot ang noo ko
"ou nasubukan ko na yun Lizaine
pero di nya din alam pati nga sa mga nurse at Kay Dok nadin e "
napatingin ako Kay Lizaine
nanlaki ang mga mata nya
akmang nagulat sa sinabi ko
tumingin muna sya sa paligid
para makasigurado na kami lang ang nandirito
nung makasigurado sya ay lumapit sya saking tenga para bulungan ako
"Ate Yana wag na wag kang magtitiwala at maniniwala sa Doktor dahil magkakampi sila " tila may halong takot sa boses ni
Lizaine
"Sinong Sila?" kumunot ulet ang noo ko
napatingin ako sa kanya
nanginginig sya at nakatingin sa
kawalan
"ui Lizaine" hawak ko sa braso nya
napatingin sya sakin
mukhang takot na takot sya
"ayos ka lang ? at sinong kakampi ni Dok?" naguguluhan ako
"shhhhhh shhhh atee Yanna wag wag kang maiingay andyan na sya " mahina ang boses nya
BINABASA MO ANG
ANGELA CLAIRE
RandomAko si Yana Shin Ledesma 19 years old hindi ko inaasahan na magising sa isang hospital para sa may mga diperensya sa pag-iisip akala ko nung una isa lang ito sa aking masamang panaginip at magigising din maya-maya pero mali pala ako totoo ito pano a...