takot na takot talaga si lizaine tinakpan nya ng magkabilang kamay ang kanyang tenga
hinawakan ako sa braso ni Denise
"Kanino mo narinig ang pangalan na yun?"
seryoso si Denise
"Kay Sunny sinabi nya sakin magingat daw ako sa kanya" kinabahan ako
binitawan ako ni Denise tatayo na sya para hanapin si Sunny
nang saktong pumasok ito sa loob nang kwarto
pinuntahan sya ni Denise nang magkaharapan na sila hinawakan nya ito sa braso nang may pwersa
"Aray Denise ano bang problema mo?"
"Bakit mo binanggit kay Yana ang tungkol sa kanya "
pasigaw
galit talaga si Denise isa lang ang tanong na tumatakbo sa isip ko nang mga sandaling iyon
"Anong meron kay angela bakit kelangan na hindi ko yun malaman?"
"May karapatan si Yana na malaman ang tungkol kay Angela" sigaw din nya
napatingin ako kay Lizaine kawawa talaga si lizaine takot na takot
"Wag mong banggitin ang pangalan nya natatakot si lizaine"
Naaawa ako kay lizaine kaya niyakap ko sya para syang bata na natatakot sa tunog nang kulog
at ang tunog nang kulog nayun ay ang pangalang Angela ngayon sa pangyayaring ito
"Tumahimik ka Denise" inalis ang kamay ni Denise sa braso nya
at naglakad papunta sa harap namin
"Wala kang pakealam kung kanino ko sasabihin ang tungkol sa kanya at ang pangalan nya"
napatingin ako kay Sunny habang yakap padin ang umiiyak na Si Lizaine
hinila nya si lizaine napabitaw ako napilitang tumayo si Lizaine tinanggal nya ang magkabilang kamay ni lizaine sa tenga nito
napatingin si lizaine sa kanya na nanginginig
"Angela Angela Angela" paulit ulit nyang bigkas
Mas lalong humagulgol si Lizaine napatayo ako
"Tigilan mo yan Sunny"
sigaw ko
lumapit naman si Denise
"Bitiwan mo si Lizaine" sigaw din nya
"A pinagtutulungan nyo na ako" Galit nyang sagot
binitawan nya si lizaine napaupo si lizaine
biglang may dumating na nurse at 4 na lalake na naka hospital uniform
para awatin kami
"Wag kayong pupunta sakin pag sinugod kayo ni Angela" pasigaw nya nang dinala na sya palabas nang dalawang lalaki
BINABASA MO ANG
ANGELA CLAIRE
SonstigesAko si Yana Shin Ledesma 19 years old hindi ko inaasahan na magising sa isang hospital para sa may mga diperensya sa pag-iisip akala ko nung una isa lang ito sa aking masamang panaginip at magigising din maya-maya pero mali pala ako totoo ito pano a...