CHAPTER 11-Ikatlong Palapag

124 3 0
                                    

"Ayos lang Ako Lizaine wag kang

mag alala sakin" napilitan kong

ngumiti para di nya mapansin ang

nasa sketchpad

ngumiti sya at binalik na ang tingin

nya sa telebisyon

agad agad kong kinuha ang sketchpad na bigla kong nabitawan

bakit ganun ang guhit

nya wag nyang sabihin na

isang multo si Angela ?

bigla akong kinilabutan

"kelangan kong hanapin si

Denise" sa isip

tumayo na ako at umalis

na sa kwarto para hanapin siya

gusto kong malaman ang sagot

bakit ganito ang pagguhit nya

kay Angela

una dumiretso ako sa kwarto nya

kumatok

"Denise nandyan kaba?"

"Yana pasok ka" yan ang sagot

niya

binuksan ko ang pinto

nung pagpasok ko hindi ko

maaninag si Denise

" Denise nasan ka?"

hinanap ko sya sa kwarto pero wala

"Pero narinig ko syang

nagsalita kanina?" pagtataka ko

iniwan ko nalang ang skektchpad nya sa kanyang kama

tyaka lumabas nalang ako

naisipan kong pumunta sa

opisina ng Doktor para magtanong

pero nung malapit na ako

nakita ko si Denise na nasa hagdan

naglalakad pataas

"Denise" tawag ko

pero di sya lumingon nag patuloy

lang sya sa paghakbang papataas ng hagdan

"Uy Denise"

tawag ko ulet tyaka tumakbo

ako para habulin sya

pagdating ko sa taas ay nawala

sya

"asan nanaman yun?" tanong ko

saking sarili

kaya nagpaguloy nalang ako

sa paglalakad ang tahimik ng palapag nato 

napaliko ako nang marinig ko ulet

ang boses ni Denise

"Denise nasan ka?" malakas kong

bigkas

pero walang sumasagot

"pinaglalaruan mo ba ako Denise" 

ulit kong tugon

pero hindi padin sya sumasagot

sa patuloy kong paglalakad

may nakita akong

rectangle na salamin na kasing laki

ko na nakadikit sa pader

"may salamin pala dito?" sa isip

lumapit ako para tingnan

ang sarili ko dito at

may naamoy akong rosas pero

biglang may pumukaw

nang aking atensyon

may naaninag ako sa salamin

medyo malayo sya pero nakikita ko padin

babae medyo mahaba ang bangs natatakpan na nito ang kanyang

isang mata nakangiti lang ito nakasuot sya ng hoapital dress

na madumi

bigla nanaman ako kinilabutan

bigla ko kasi naalala yung guhit

ni Denise 

parang ito yung Angela

na ginuguhit nya diniretso

ko nalang ulet ang  tingin

ko sa salamin para di na yun makita

pero napansin ko namang

biglang  nagkaron nang malaking

crack ang  salamin 

  sa bawat crack na nakikita ko may sumasamang

dugo na tumutulo

napaupo ako sa gulat at takot

nang may biglang

may humawak sa

kaliwa kong balikat 

napasigaw ako sa takot 

"Yana bakit ka pumunta dito?"

automatic na nawala ang takot

ko sa familiar na boses nayun

ANGELA CLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon