Stay 9

453 19 3
                                    


Narration:

Third Person



Pagsapit ng 12pm ay na sa eskwelahan nya na si Akira Blue Choi upang mag-aral. Alangan mag-landi dun!? -.-

Pagpasok palang ni Akira ay agad na hinanap ng mga mata nya ang mga kaibigan nya. Sinabi kasi sakanya nina Lice, Vero at Rosas na aantayin daw nila si Akira pagpasok pa lang nya sa Winston Arkins Serilio High a.k.a WASH.

Ngunit pagdating palang ni Akira ay wala man lang syang nadatnan na isa sa mga kaibigan nya.

Napabuntong hininga nalang sya at dumiretso na sa paglakad sa hallway upang makapasok na sa classroom nila.

Sa hindi inaasahan ay biglang napatigil sya sa paglalakad.

"Uy, KiKi-beybs!" isang lalaki ang sumigaw nun sa hallway at dinig na dinig nya iyon. Madaming estudyante ang nasa hallway ngayon at napapatingin sila sa direksyon nung sumigaw.

'Aish! Kung sinusuwerte ka nga naman.' Sabi sa ni Akira sa isip nya. Isa lang naman kasi ang tumatawag nun sakanya at walang iba kundi si...

"Uy Kiki, sabay na tayo?" napalingon sya sa kanan nya at nandun na nga si Vee. Si Voltar Eelthoon Lee. Ang lalaking laging kinukulit si Akira sa chat.

Pero imbes na makatanggap ang binata ng sagot mula sa dalaga ay basta-basta nalang nya itong iniwan mag-isa. Agad namang humabol ang binata sakanya upang makasabay sya sa paglalakad.

'Tsk. Ayoko talagang pinagtitinginan na kami ng mga tao! Aish.' sabi ulit ni Akira sa isip niya. Ayaw nya ng atensyon mula sa ibang tao. Hindi naman kasi sya sikat sa WASH para pagtitinginan sya ng ibang tao. Pero kaya lang naman sya pinagtitinginan ng mga tao ay dahil kasabay nya ang isa sa mga heartthrob ng WASH.

Madaming kababaihan sa WASH ang nagkakandarapa kay Vee kung kaya't pinag-uusapan na ngayon ng mga babae kung bakit sila ngayon magkasama.

"Hmmm. Bakit kaya magkasama ang dalawang 'to ngayon?"

"Oh god.. This is bad! Baka naman mag-jowa na sila!?"

"No way! I can't accept the fact!"

'Edi wag mo tanggapin ang fact. Tss. Mga tanga naman ang mga babaeng nagkakandarapa sa lalaking nasa tabi ko eh.' isip-isip ni Akira. Iritang-irita na sya sa mga babaeng nakatitig sakanila kung kaya't binilisan nyang maglakad.

"Hala Kiki wag mo nga bilisan maglakad!"

Hindi man lang umimik si Akira at laking pasasalamat nya nang makitang palapit na sya sa classroom nila.

Pero agad na naman syang natigilan nang biglang may mga salitamg nakapag-patigil sa kanyang pag-pasok sa silid nya.

"Akira, sana mapansin mo na ako one day."

𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon