Stay 45

190 8 1
                                    

I have a question for you guys, please comment down WAG KJ ha.

If you could exchange bodies with someone or be someone for one day, who could that be and why?

My answer:.............

Sa susunod na kabanata nyo mababasa XD

----

Kaya dito ko unang nakilala ang BTS dahil kay Joon. Actually si Joon yung una kong nakilala tapos that day, pinakilala na nya ako sa buong tropa nila.

Kaya kami nagkakilala ni Joon dahil parehas kaming nasa pinaka-top sa bawat section/course. Well dahil lang naman sa academics kaya kami nagkakilala ni Joon. He is really intelligent, you know? Simula palang sya na yung ideal type ko. And HOY, wala 'tong malisya ha. Nasabi na rin nya sakin na Ideal type nya ako. So meaning parehas lang kami. Pero walang malisya, ha. Si Joon talaga pinaka-close ko sa BTS, ngayon madalang na kami mag-usap.

"Kamusta, Joon?" tumango sya at ngumiti. Lumitaw naman yung dalawa nyang dimples.

"Okay naman. Ay, by the way si Hailey nga pala." kumunot bigla yung noo ko nang mapagtanto na ang babaeng katabi ni Vee ay si... Hailey?!

"Hi! You're Akira Choi, right?" ngumiti ako ng pilit at tumango.

Wow. So Hailey is really pretty. Akala ko yung Hailey na sinasabi ni Vee ay naka-braid, may glasses at manang manamit. Yun pala maganda at may makinis na kutis. Nakalugay ang brown wavy hair nya. Naka-red mini skirt kasi sya at black na longsleeve. Maputi sya at bilugin ang mata. Katulad ng kay Lice.

Nang itataas ko na sana ang kamay ko para makipag-shake hands nang biglang nilapit nya sakin yung mukha nya at bumulong.

"Sorry but I don't do shake hands lalo na't ang hahawakan ko ay galing sa maduming kamay ng babaeng makati."

Agad akong natigilan sa sinabi niya.

Lumayo na sya sakin at matamis na ngumiti tsaka hinarap ang boys.

Para bang naninagas na yata ako sa kinauupuan ko ngayon.

Wow. What did I have done in my past life at bakit may kontrabida na sa buhay ko? Akala ko pa naman mabait itong Hailey na 'to base sa pinagchachat sakin ni Vee yun pala hindi!

Aish. I guess someone pushed the bitch button. Ang tagal na din nung huling may pumindot nito.

"Huy, tulala ka naman." agad akong natauhan nang bigla akong tabihan ni Vee at inagaw sakin yung hawak ko.

"Hey! Akin na 'yan!" nagulat ako nang bigla nyang sinipsip yung straw. Aww! May laway na nya! Sayang tuloy yung pambili ko ng softdrink na yan.

Iniabot nya sakin yung sprite at inirapan ko nalang sya. "'Yoko na. Iyo nalang."

"Sabi mo iyo na 'to?" mas lalo pa nyang inilapit saking labi yung straw. Yuck! Wag nyang gagawin yan!

"Wag na! Iyo na nga kasi.." at halos natigilan ako sa ginawa ko nang itinulak ko sakanya yung sprite at biglang natapon iyon malapit sa sapatos nya. Oh shit.

Yumuko ako at napakamot nalang sa ulo.

Nakita kong tiningnan ako ng nakakunot ang noo ni Vee.

"Kira, sabihin mo nga kung anong problema mo ngayon at bakit ka nagkakaganyan?" hays! Hindi ko naman kasi sinasadya yun eh!

Hindi ako umimik sakanya.

"H-Hey!"

Hindi ko na sya napigilan pa dahil bigla nya akong hinila palapit sa kanyang mga kaibigan at dun sa 'bitch'-este kay Hailey. Sa wrist nya ako hinawakan pero bakit ganito na agad ang pakiramdam ko?

Kinakabahan na tuloy ako sa gagawin nya. No, Vee. Wag. Alam ko ang iniisip mo.

"Oh, nandito na ang love birds. Ano, nag-usap na ba kayo?" agad na pambungad samin ni Jim.

Sinulyapan ko naman si Hailey at nakita kong napairap sya sa hangin at nang magtama ang paningin namin ay bigla itong ngumiti ng PLASTIK.

"Hindi pa." maiksing sagot ni Vee.

"Oh, I think you guys haven't talked? Hulaan ko, may problema ano?" singit naman ni Hailey kung kaya't ako naman yung napairap.

"Ohblablahblahblah, utututututotot." mahinang bulong ko.

"You're saying something?" tinaasan ko naman ng kilay nang biglang bumaling ng tingin sakin si Hialey.

"Ah, wala. Sabi ko ang init ng panahon, may isang mas makati dyan sa tabi-tabi. Mag-iingat kayo lalo na ang BaTang Sokor." makahulugan kong sinabi kung kaha't napairap din si Hailey at nag-iwas nalang ng tingin.

"Excuse me.Kailangan nyo ata na dito nalang mag-usap?" lumayas na sina Josh, Jim at Arjo.

"Ahm, sumunod nalang kayo ha. Wag kayo magtatagal." pati si Joon kasama si Hobin ay umalis na.

"And you, why are you still here?" napangisi ako kay Hailey. Nakayuko na sya ngayon.

"O-Oh. B-Bye."

Ngayon hinarap ako ni Vee at magkaharapan na kami ngayon. Napalunok ako. Parang hindi ko ata kayang makipag-titigan sakanya ng matagal.

Ganun pa rin yung style ng porma nya at bad boy na bad boy pa rin. Pati yung tali sa buhok nya nandun pa rin.

"Kira, hindi ako nagloloko. Seryoso ako sa mga sinabi ko." panimula nya.

Nag-iwas ako ng tingin. So ibig sabihin.. G-Gusto nya talaga ako simula nung nagkakilala kami?!

"Hey, look at me." agad nyang hinuli yung mga mata ko. "You look pale. May sakit ka ba?" nang akmang ilalapat na nya sakin yung palad nya sa noo ko ay hinampas ko na ito.

Napa-'ouch' naman sya. I rolled my eyes. Nag-iinarte ang nagseseryoso DAW.

"I-It's just... My skin is just white. Y-Yeah. Maputi ako." I crossed my arms after I said those words.

Kumunot naman yung noo nya.

"Okay...."

Pero halos hindi na ako makahinga ng ayos nang bigla nya akong niyakap.

"Please be mine.." malambing nyang bulong na ikinataas ng balahibo ko sa batok. Shit! Sinisinghot nya yung pabango ko. Mas lalo pa nyang ibinaon yung ulo nya sa balikat ko. OOPS wag kayo gm XD baka kung anong maisip nyo dyan EEHH.

"V-Vee pinagtitinginan na tayo." nauutal kong saad.

"I don't care, my babe."

Ayun na nga, natigilan na ako.

HANUHH DAW?!? 'MY BABE?!'

Shet nabingi na yata ako???!!!

(a/n)
Yucks ang korni :P

𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon