Epilogue

300 14 2
                                    

note: don't expect an epilogue that has a happy ending. i can make lame endings :) but my readers is gonna be happy about it :) you know me ;)

This story is dedicated to my sunflowers, oreos, beefs and porks, synchromes, syntaxes, and stayers. (oh ha, ayan yung mga tawag ko sa readers ko XD)

Official Name for my Readers (in this story): STAYERS

---

Paki-play ng Stay by BLACKPINK.

Kung ayaw nyo, edi wag! Para hindi nyo ma-feel. Pwe.






3 months later...

Narration:

Third Person

Habang naglalakad ang dalaga sa napakalamig na simoy ng hangin ay kasabay nito ang paglipad ng buhok nya. Naka-suot sya ngayon ng coat na mahaba, sakto lang dahil malamig ang panahon ngayon. Dahil wala syang magawa sa bahay nila ng BLACKPINK ay nagpaalam sya na mag-gagala na muna sya. Meron naman na takip o di kaya'y mask sa mukha nya tsaka isang hat na sinusuot ng mga artists/painters.

Hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng mga paa nya. Basta ang alam lang nya ay dadalhin sya ng mga paa nya kung saan ang daan patungo sa kanyang kasiyahan.

Hindi sya naniniwala na may road to forever. Ganon talaga eh. Walang forever kaya sana magbreak na kayo ng syota mo. Walang mag-kasintahan ang nagtatagal pero kung meron mang ganon, aba matakot ka na dahil baka nabuhay ang lolo't lola mo. Pero syempre joke lang yun. Hahaha. Peace yow.

Ang ganda ng mga bituin ngayon. Para ngang malalim na nga ang gabi eh ngunit alas-ocho palang ng gabi. Napabuntong-hininga ang dalaga at napatingin nalang sa kalangitan. May naaalala na naman sya. She remembered her past. Pinagsisihan nya ang ginawa nya tatlong buwan na ang nakakaraan simula nung nag-concert at nag-fan signing sila sa pilipinas.

Huling nagkita sila ng dalaga sa fan signing event. Ang araw na pinagsisihan nya talaga ng sobra-sobra. Ang araw na... Ayaw na nyang maalala pa.

She was still guilty after what she did to him. Naging kpop singer lang ganon na agad ang asta nya sa binata.

Napapikit sya ng mariin at naramdaman nalang nya na may pumatak na kung ano sa mukha nya kung kaya't agad syang napamulat ng kanyang mga mata at nagsimula ng tumakbo upang makahanap ng masisilungan.

Takbo lang sya ng takbo ng mabilis habang hindi pa lumalakas ang ulan. Hanggang sa... Biglang natigil sya sa pagtakbo dahil may nabangga syang lalaki. Kaya ayun natumba sila pareho. Nahulog ang payong na hawak ng lalaki kung kaya't agad na tumayo ang dalaga at kinuha ang payong tsaka lumapit sa lalaki.

Iniabot nya yung payong sa lalaki pero laking gulat nya nang makita nya kung sino ang nag-mamay-ari ng payong.

Ngayon ay umulan na ng malakas at alam lang nila ay nakahinto lang sila doon sa gitna ng daan. Umuulan ng malakas. Habang silang dalawa ay nakasilong sa iisang payong. Titig na titig ang dalawa sa isa't isa. Hindi alam ng lalaki na ang dalagang nakabangga nya ay ang babaeng minahal nya. Noon at hanggang ngayon.

Kung kaya't hinawakan ng lalaki ng mariin ang balikat ng dalaga at dahan-dahan nyang inalis ang mask na nasa mukha nya hanggang sa lumuwa na ang mukha ng dalaga sa kanya.

Agad syang nanlambot. Dahil pagkaalis lang nya ng mask ng dalaga ay may mga luhang nagsi-patakan mula sa mga pisngi nya. Agad nya itong pinahid. Ang mga mata naman ng dalaga ay simpleng nakatutok lang sa kung anong ginagawa ng binata. Ang binata naman ay wala man lang kaemo-emosyon habang pinupunasan nya ang mga luha ng dalaga sa mukha.

Pagkatapos gawin iyon ng binata ay agad nyang itinanggal ang pagkakahawak nya sa balikat ng dalaga at ngayon ay walang nagsalita sa dalawa. 'Tila sila lang ang tao sa daan. May sarili silang mundo. Na 'tila nagiging slow motion na ang paligid nila.

Wala pa rin tigil ang ulan. Wala silang pakialam kung nilalamig sila o di kaya'y nababasa ng bahagya. Ang alam lang nila ngayon ay... Nasa harapan na nila ang isa't-isa.

"Sorry." halos sabay pa nila iyon sinabi sa isa't isa at hindi na nila namalayan na naghahalikan na sila mula sa rumaragasang ulan at malamig na simoy ng hangin. Ang alam lang nila ngayon ay nagmamahalan sila. They're kissing under the rain. Hindi nila alintana ang malakas na ulan. Dahil mas malakas ang pagmamahalan nila. Walang isang bagay ang maaaring hahadlang sa kanilang pag-iibigan. Wala silang pakialam sa paligid, kasi alam nilang sila lang dalawa ang nasa sarili nilang mundo. Kahit kailan, walang maaaring makakapag-tibag ng kanilang pagmamahalan. Kahit ilang beses ka nang nasasaktan, tadhana pa rin mismo ang maglalapit sa kanila.

Ang dalawang taong nagmamahalan talaga ng tunay ay kahit ilayo mo sila sa isa't-isa ay bandang huli magkakasama pa rin sila. Tadhana mismo ang gumagawa ng paraan para magkita ang landas nilang dalawa. Kahit marami silang problemang dinaranasan ay hindi pa rin matitibag ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa.

Agad na pinaghiwalay ng lalaki ang labi nya mula sa dalaga. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi nito at sinabing, "I will never leave you behind. Because from now on, I will stay by your side." napangiti naman ang dalaga at agad na niyakap ang lalaki.

Akira... And Vee... Bakit ang tatag ng inyong pagmamahalan? Kailangan pa ba ng semento upang tumatag pa ito?

Nakaka-bitter na. Oh sya, hanggang dito nalang ha. Magagalit na sakin si Charo Santos. Ay nako. Tatapusin ko na 'to.

"I love you, my bubuyog. My alien. My everything. My Voltar Eelthoon Lee." bulong ni Akira.

"I love you too, my Kiki. My beeybi. My everything. My Akira Blue Choi." sagot din naman ni Vee at naghawak-kamay silang naglalakad sa ilalim ng ulan.

Ang sweet diba? Holding hand while walking under the rain. Tsk, tsk. Tapos gabi pa. Eww.

"Walang hahadlang sa ating dalawa. We will stay in each other's side no matter what happen. Until infinity and beyond." sabay nilang sabi sa kanilang isipan.


The End.

𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon