Stay 89

200 8 0
                                    

(a/n):

TANGINA COMEBACK NA NG BLACKPINK AHAJAKWKWMSNSSAKOQOQQKMQ


---

Please play LET ME KNOW by BTS

Para ma-feel nyo. Kung ayaw, edi WAG. Tangina mo. :)



Narration:

Kira


"WAAAH ANNYEONG, UNNIE!"

Agad akong ngumiti nang sumunod yung babae na nasa tapat ng pilahan ko. Kasalukuyan kaming nasa fan signing event at malapit nang matapos ito.

"Hello." I smiled. Iniabot naman nya yung mga dapat kong pipirmagan. As usual. Sanay na rin naman ako sa ganito eh.

"Unnie, ang swerte po naming mga filipino blinks kasi makakausap namin kayo in tagalog. Hehehe." binuklat ko naman yung librong ginawa nya. Puro pictures namin dito ng BLACKPINK at may mga messages dun. Nang makita ko yung page kung nasaan ako ay agad ko iyon pinirmahan.

Iniabot rin nya sakin yung album nya pati yung poster na ako mismo yung nandun.

"Anong pangalan mo?"

"Hani po, unnie. Hehe. Ang ganda nyo po talaga sa malapitan. Sorry po kung hindi ko kayo bias huhu." ibinalik ko naman sakanya yung mga napirmahan ko na at matamis na ngumiti sakanya. Hinawakan ko naman yung kamay nya na ikinagulat nya.

"Hani, wag ka magsorry. Hindi naman kasalanan yung hindi mo ako naging bias. Ano ka ba, atleast nakita mo ako sa personal." ngumiti rin naman sya.

"Hala unnie ang bait-bait nyo naman po pala. Waaaaah! Akala ko kasi, sa first impression palang since nung nag-debut kayo, akala ko mataray kayo eh. Yun pala ang bait-bait nyo! Waaaah." kinurot ko naman yung pisngi nya kaya natigilan naman sya.

"Haha. Ang cute-cute mo." hinawakan pa nya yung pisnging kinurutan ko na 'tila nagulat pa sa ginawa ko.

"No, unnie mas cute ka po." inayos ko naman yung cat ears ko na headband sa ulo ko.

"Anyways, ilan taon kana pala?" tanong ko.

"Ah--eh, 13 po hehe." hala, ang bata pa pala nya. Ang swerte lang nya dahil nakita nya kami.

Nang marinig ko na sinabi ng staff sa likod ko na umisod na dahil may susunod ulit na pipirmahan ko.

"Sige, Hani. Godbless nalang sa'yo." pagpapaalam ko. Tumayo sya at ni-request nya na mag-picture kami kung kaya't tumayo rin ako at nakipag-picture sakanya. Then, nagpaalam na rin sya at umupo ulit ako.

Humarap naman ako sa susunod sa pila.

"Hi po unnie." ngumiti naman agad ako sakanya at iniabot nya sakin yung mga dapat kong pipirmahan.

"What's your name, dear?" tanong ko.

"Ahm... Jelly po. Hehe."

𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon