Stay 69

173 10 0
                                    

Dedicated to: StitchyBear imtherealladyboss jojoondatbeat

AHIHI HETO NA WAG KAYONG ASSUMING NA MAY 69 NA MAGAGANAP HUEHUEHUE. AYM JUS INOSENSE. OKAY?! Dejk.



Narration:

Kira

Kanina ko pa tinititigan yung orasan ko dahil excited ko nang makita yung pagpatak ng 7 am sa orasan. Hehe. Seryoso, excited na talaga ako. I mean.. First date namin yun. Hindi pa kami nakakapag-date simula nung naging kami eh. Well, hindi naman aki nag-eexpect ng magarang date or like yung masyadong expensive date. Gusto ko yung date na... Sa labas lang kami, kakain ng street foods or kahit kumain nalang kami sa tabing fast food or lomihan. O kaya tumambay sa park ni Jimin. Ganern. Haha. Hindi naman kasi ako yung tipong babaeng maarte. Siguro alam nyo na rin naman diba?

Aish. Kanina pa rin ako naiinip kasi ang tagal nyang magreply sa chinat ko sakanya. Tingnan mo, quarter to 6 palang naka-ayos na ako! G na g ako tapos nagchat ako sakanya ng mga 6:03 am tapos.. 6:49 am na hanggang ngayon wala pa rin akong natatanggap na reply mula sakanya. Huhu. Nakita ko pa namang 6 mins active ago pa sya. Hindi pa nya nai-seen yung chat ko.

Hmm. Baka naman nagkataon na may ginagawa syang importante para sa date namin..? Ahihi. Kaexcite yun ah! Siguro todo effort sya para lang maging memorable yung date namin. Ay, nangangarap na ata ako? Lols.

So ayun nga, ini-pm ko si Nami tungkol dun sa pagchachat sakanya ni Auge. Tapos ayun, hanggang seen lang. Hindi na nya ako nireply-an pa. Sabi ko kasi ay..

Me: NAGCHACHAT SAYO SI AUGE?

Me *again*: omfg sana may mamuong chemistry sainyong dalawa

Me *again pt. 2*: kasi ganon din kami ni Vee eh nagsimula sa chatmates hanggang sa love birds ahihi diba ang saya nun? ^^

Me *again and again and again*: SS MO CHAT NINYO DALIII HIHI

Dahil ang daldal at ang kulit ko ay hindi na nya ako nireply-an..Oh diba? Ang saklap ano. Deadma lang ang peg ni Nami. Tsk. Baka naman na-bad trip lang siguro si Nami kaya hindi nya nirereply? Hmm. Siguro.

"Oy, Akiya."

Napatingin ako kay kuya na tinawag ako dahil kakababa nya lang ng hagdan. Nandito kasi ako may dining room. Nakaupo at nakatulala sa wala. Kasi nga vored ako at walang magawa. Hashtag BOOM! Nag-rhyme. Hahahaha. Nahahawa na tuloy ako kay Vee at Lice. Ano bang meron sa rhyming sentences at usong-uso yun sakanilang vocabulary? :/

Napaayos naman ako ng upo. "Bakit ang aga mo, kuya?" umupo naman sya sa tabi ko at hindi na ako nagulat pa nang kinuha nya sakin yung naka-balandarang pancakes with chocolate syrup sa plate na nasa harapan ko.

Agad nya iyon nilantakan na para bang walang nanonood. Napangiwi ako. Kahit kailan talaga ang baboy-baboy netong kuya ko. Tss.

"Ako dapat ang magtatanong niyan eh. Inunahan mo lang ako. How dare you. BOOM! Nag-rhyme!" I rolled my eyes at what he had said.

Pati ba naman sya nakiki-rhyming din?! Ugh. Uso ba talaga yun ngayon?

"Kuya kakaalis lang ba nina mom at dad? Nung chineck ko kasi sa room nila wala na eh."

𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon