Stay 14

286 10 2
                                    

Narration:

Third Person


Nang mag-dismiss ang klase ay nagpaiwan lamang sya sa classroom ng mga 10 hanggang 20 minuto. Nakababad sya ngayon sa phone nya. At nung 2:50 pm ay naisipan na nyang lumabas sa classroom.

Itinext nya sa mga kaibigan nya-ang buong TeudeungiBelbetPink-na antayin sya sa labas ng gate ng WASH.

Naglalakad na sya at parang sya nalang 'ata ang tao kasi sobrang tahimik ng hallway at halos ang tahimik magdiscuss sa kabi-kabilang classrooms na nadadaanan nya kung kaya't hinugot na lamang nya yung phone nya kung may new messages ba syang natanggap.

Pagbukas nya ng mga messages ay puro katarantaduhan lamang ang natatanggap nya mula sa mga kaibigan nya sa gc.

Agad naman syang napatigil sa pagbabasa ng mga messages nang biglang may mga lalaking sumulpot sa likuran nya.

"Kira?"

Napalingon ang dalaga sa likuran nya at agad syang napangiti nang makita nya ang tropang BTS. Kaya lang lima lang sila ngayon sa harapan nya eh.

"Oh, Arjo?"

Nakipag-fist bump naman si Akira sakanila maliban sa naka-crossed arms na si Vee na nasa tabi lang nila at nananahimik.

"Kira, sabay ka na sa'min." alok naman ni Josh kung kaya't napailing nalang ang dalaga.

"Ah, eh may naghihintay kasi sakin sa labas eh. Mga kaibigan ko."

"Saan ba kayo pupunta?" tanong naman ni Jim.

"Ahm.. Baka sa 7/eleven, I guess?" kibit-balikat na sagot ni Akira.

"Samahan ka na namin sa labas, baka kung ano pa mangyari sa'yo." wika naman ni Auge.

"Luh hindi na. Ano ba kayo! Kaya ko na 'to, 'noh. By the way, ba't kulang kayo? Nasaan sina Joon at Hobin?"

"Si Joon half day, si Hobin mamaya pa uwi nun mga 4pm." bored na sagot ni Auge.

"'Di nyo na aantayin si Hobin?"

"Hindi na. Bahala sya umuwi mag-isa. Haha!" aniya Arjo.

"Ah sige. Mauna na ako sainyo."

"Ge. Ingat-"

"Huwag ka munang umalis." nang akmang maglalakad na pauna sakanila si Akira ay agad syang napatigil sa narinig nya. 'Sa wakas nagsalita din sya!' sa isip-isip naman ni Akira.

Nakatalikod lamang si Akira sa direksyon nila at ramdam na ramdam nya yung tension sa pagitan nila.

Napapihit muli paharap sakanila si Akira at napangiti ng pilit. "U-Uhm.. S-Sige na nga, ihatid nyo na ako dun."

Agad silang nagsimulang maglakad palabas ng WASH at nangunguna sa paglalakad si Arjo. Sya din ang nangunguna sa kaingayan. Habang si Auge, Vee, at Kira ah tahimik lamang. Pero sina Vee at Kira ay nasa pinaka-likod. Hindi nag-iimikan.

'Err. Ang awkward naman nito.' sabi sa isip ni Akira.

'Aish. Paano ba 'to? Bakit nagiging ganto ka na, Voltar Eelthoon Lee!? Diba lagi ka namang dumdaldal kay Akira Blue Choi sa chat hindi ba!? Hays. Ang torpe ko 'ata. Or baka naduduwag lang. Aish basta ewan ko!' sabi naman sa isip ni Vee.

Anu ba 'yan! Etong dalawang bida na 'to, ayaw pa mag-landian-este mag-usap. Kainis ba naman yung otor nito hindi alam ang salitang.... Ahm, basta! Nakakainis si otor pero sexy at dyosa naman sya ahihi labyu po.

Pero seryoso, ang awkward nilang dalawa. Pero cute naman.

"A-Ahm.. H-Hi kiki-beybs." si Vee na mismo ang sumira sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. Nauutal nya iyon sinabi. Buti nalang hindi masyasong dinig ng mga ka-tropa nya.

Nahihiya namang tumingin si Kira kay Vee. "K-Kailan ka pa nautal sa'kin?"

Sa hindi inaasahan ay biglang ngumisi si Vee na ikinalusaw naman ng buong sistema ni Kira. "Edi ngayon lang. Alam mo naman na paminsan-minsan kailangan ko rin maging cold at tahimik sa tabi mo, hindi ba? Para naman mukha akong gwapo lagi." nag-pogi sign pa.

Matagal na tinitigan ni Kira ang binata at sa pagkakataong iyon ay may kakaiba na syang nararamdaman.

"Gago ang yabang mo."

𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon