I have this urge na magsulat ng Fantasy story. Meron na akong nagawang Fantasy story. Actually sa mga old readers ko dyan kung natatandaan nyo pa yung Detective Strangers. Detective + Mystery/Thriller + Fantasy kasi sya. Huhu sayang nga lang at nai-delete ko na sya :( meron kasi akong dahilan kung bakit hindi ko ini-try pang magsulat ng detective-like stories. And sorry nalang dahil hindi ko na muna sasabihin yung reason. Sana maintindihan nyo.
At heto ako, pinipigilan ko yung sarili ko na Prologue na muna ang ipapublish ko sa Fantasy na story'ng gagawin ko. Lmao.
Pero bago ko ipublish yung Fantasy-story na yan ay mag-aaral na muna ako ng hangul😆seryoso gusto ko nang mag-aral ng hangul hahaha.
Narration:
Kira
"Kuya, lalabas lang ako ah." paalam ko at nagmamadaling bumaba sa hagdan. Pero nang akmang tatapak na sana ako sa huling palapag ng hagdan nang bigla akong harangan ni kuya!
Magkasalubong na ngayon yung kilay nya at naka-crossed arms pa. Tsk. Patay tayo dyan.
"At saan ka naman pupunta Akiya?"
Hay nako. Heto na naman si kuya. Minsan talaga naiinis na rin ako minsan sa kuya ko, masyado pa ring overprotective kahit 17 na ako.
Pero kahit ganyan sya love na love ko yan. Ews. Ang korni.
Tinatawag ako ng kuya ko sa bulol na paraan. Imbes na 'r' ang marinig sa Akira ko ay naging 'y'. Well simula nung bata pa kami 'Akiya' na lagi tawag nya sakin.
"Sa lugar na liblib at hinding-hindi mawawala ang takot sa dibdib." sinubukan kong huwag matawa sa reaksyon ngayon ni kuya Elis. Sa paraan ng paninitig sakin ni kuya parang gusto na nya ako pakainin ng buhay sa mga tigre. Well ganito naman kasi lagi yung bonding naming magkapatid eh. Nagbabarahan, minsan nag-aaway pero sya yung unang makikipag-bati sakin sa pagbili sakin ng mga paborito kong pagkain lalo na ang Milk Flavored Ice Cream.
"I wonder kung anong nakain mo at lalabas kana ng buhay." bigla namang tumaas yung kilay ko nang bigla sya nag-give way at umaktong escort ko pa kasi nagbow at inalalayan pa nya ako kahit nasa isang palapag na kami sa hagdan.
Napapailing nalang ako habang natatawa sa pinaggagawa ni kuya ngayon.
"Teka.. Lalabas ka lang naman ah, wala ka namang lakad?" nagtatakang tanong nya. Ah baka dahil sa suot ko ngayon. Naka-jeans lang naman ako na tinernuhan ng ruffled off-shoulder na gray tsaka white vans.
"Hay naku kuya. Diba hindi mo ako pinapayagang magsuot ng maiiksi na shorts at exposed na damit na pang-itaas?" nang sinabi ko iyon ay bigla syang natauhan at napahampas nalang sa ulo nya. Talaga 'tong kuya kong 'to eh. Makalimutin minsan. Buti kay mommy ako nagmana at hindi kay appa. Parehas sila kuya at appa ng ugali eh.
"Nakalimutan ko nga pala. Oh sige, babalik ka ha?"
Pinag-buksan pa nya ako ng main gate at agad na akong lumabas.
Dyan lang naman ako sa tabi-tabi tatambay. Boring sa mansion eh. Si kuya Elis kasi laging busy, I mean... Madami syang aasikasuhin ngayon. Sya na yung nagha handle ng business namin na puro bags eh. 'Tas ako pa ang ginawa nyang model, ayun naibenta nya yung ibang bags sa mga kaibigan nya. Loko talaga minsan kuya ko. Napagkakaisahan ako. Haist.
"Ahm, aling Fe pabili naman po ng sprite yung nasa plastic." agad kong inabot sa kanya yung pera.
"Oh sige."
Umupo muna ako sandali sa upuang katapat ng tindahan ni aling Fe. Malapit lang naman sa mansion namin yung mga tindahan eh. At tsaka madalas dito ako natambay.
"Salamat po." agad akong saad nang iniabot nya sakin yung kailangan ko.
"Akira, ineng lalo kang gumanda. Ang laki na ng pinagbago mo ah? Parang dati nene ka palang."
"Ay, hehe thank you nalang po."
"Bihira ka nang lumalabas ng bahay. Lagi ka bang busy sa school ninyo?"
"Hindi naman po."
Buti at dala ko yung phone ko. Minsan boring sa mansion eh. Malaki nga ang mansion, malaki rin ang katahimikan. Palibhasa kami lang dalawa ni kuya Elis yung nasa mansion o di kaya'y ako at ang mga maids lang. May dalawa akong asong kasama, si Kai at Kuma. Sila lang naman mga kasama ko eh.
Hindi naman kasi ako yung tipong babae na.. Tuwing gabi ay magba-bar hindi katulad ng ginagawa na ngayon ng ibang teenagers 'tas mabubuntis ng ibang bastos na lalaki. Lols. Tas sa umaga magshoshopping at magsasayang ng pera sa walang kwentang gamit? Nah. I'm not like that. I prefer books and phones rather than a glass of wine and a hand bag on my hand. But seriously, I love fashion. Pero hindi lang ako maarte. Mataray lang.
Habang nagsusurf sa phone ko ay hindi ko maiwasang mapaisip sa chinat sakin na confession ni Vee.
Sineryoso ba talaga nya yung confession na yun sakin?
Does he mean to really like me? The way I am? Since these days, I'm starting to feel weird about myself. No, it's about my feelings. Nawi-weirduhan na ako sa kung anong nararamdaman ko.
What if... Niloloko lang pala ako ni Vee? No, I mean.. What if hindi nya sineseryoso yung sinasabi nya? Sa pagkakakilala ko kasi kay Vee ay makulit sya sa chat at minsan hindi nya sineseryoso yung mga sinasabi nya.
I sighed deeply. Well I guess I just need to trust him, I guess? Hindi ko pa masasabi kung magugustuhan ko sya pabalik dahil hindi ko pa maintindihan yung nararamdaman ko.
Vee is my friend. Tapos ano? Aaminin ko din sakanya yung nararamdaman ko ng ganun kadali? Seriously, you have to think and to make a decision before you confess your feelings to a guy. Hindi ako yung tipong babae na magpapalandi na lamang. Hard-to-get ako kumbaga. Hindi ako pinalaking malandi. So stfu. Djk.
Habang sinisimsim yung straw ay 'tila napako ang tingin ko sa pitong lalaking papalapit sa direksyon na kamuntikan nang ikahulog ng plastic ng sprite na hawak ko.
"J-Joon? BTS? B-Bakit kayo nandidito?" isa-isa ko silang tinitigan at lahat sila parang bisita dahil sa mga suot nilang mamahalin. Tinitignan na sila ng ibang tao. Hindi na yun nakakapagtaka kasi bihira nang may bumibisita ditong mayayamang tao. Ako lang naman kasi yung kilala nila dito.
Hanggang sa natigil ang paningin ko sa lalaking nag-iba na naman ng porma.
Biglang tumaas yung kilay ko nang may makita akong babaeng nasa tabi ni Vee.
"Bakit? Hindi ba kami pwede pumunta dito para bisitahin ang kaibigan namin..?" sabagay, tama naman si Joon. Actually dito ko nakilala ang BTS.
to be continued
BINABASA MO ANG
𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐ
Humorㅤㅤㅤㅤ❝can you stay for a bit?❞ ㅤ ㅤ ╭─┈ ❁ཻུ۪۪⸙͎.'⢸𝐚𝐞𝐡𝐮𝐫𝐚𝐧𝐞˚ ͙۪۪̥◌ ㅤㅤㅤㅤㅤ-ˋˏ 𝗝𝗘𝗡𝗡𝗜𝗘 𝗫 𝗧𝗔𝗘𝗛𝗬𝗨𝗡𝗚 ˎˊ- ㅤㅤ│ in which a girl named akira ㅤㅤ│ fell in love with someone who ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤcan't stay with her ˚ ⚘ ㅤㅤ╰─────────── ─ ─ ₊˚.⊰ ㅤㅤㅤㅤㅤ˖۪...