Narration:Kira
"Omg seryoso?!"
Heto ako ngayon, pinagtitripan na ako ng buong TeudeungiBelbetPink tungkol sa ikinuwento ko sakanila.
Iniyuyugyog lang naman ako nina Nana, Joy at Vero sa balikat. Tsk mga OA.
"'Di nga?! Sinabi sayo na gusto ka nya?!" nanlalaking-matang sabat ni Sana.
Tumango ako. "Oo nga! Aba, paulit-ulit?" I rolled my eyes.
"Hala eh anong sinabi mo? Nagreply pa ba ulit sya?" si Nami. Umiling ako At napabuntong-hininga. Tiningnan ko yung cp ko upang tingnan yung orasan. 2:34 pm. 26 mins nalang ang break time.
"Edi na-seen lang si Vee?" sinamaan ko ng tingin si Reena. "Kaya nga hindi ako nagreply eh! Ang kulit."
Jusko. Bigla na namang nagsi-tiliam ang mga hinayupak kong mga kaibigan. Tsk. Pinagtitinginan na tuloy kami dito sa cafateria. Kami lang naman kasi yung maiingay dito eh samantalang yung iba dyan nananahimim sa isang tabi at parang nakikinig pa 'ata sa'min eh. Hay nako mga chismosa't chismoso. Napapailing nalang ako sa mga kaibigan ko.
Buti nalang at natahimik na muli yung mga kaibigan ko nang biglang dumating na yung in-order namin na dala-dala nina Wesley, Naimo, Chae at Chew.
"Mga gaga kayo. Kanina pa kayo nagsisi-tilian dyan. Ano bang meron?" inis na singhal samin ni Wesley.
"OMG WESLEY YOU WON'T GONNA BILIB DIS!" agad na panira ni Sana.
"Sssshhhh, Sana wag ka ngang maingay dyan!" sita sakanya ni Gigi. Binatukan naman ni Chew si Sana. "Aw! Para saan naman yun Chewy?"
"Don't you ever call me Chewy!"
"Huwaw, si atihh nag-improve yung english nya!" pang-aasar sakanya ni Dada.
"Saan mo naman natutunan yun, aber?" pakikisabat rin ni Erin.
Hanggang sa huli ay nagpasiyahan nalang naming kumain na muna. Aba, syempre gutom na kami. Kanina pa kami nagtitimpi sa gutom. Kasalanan ba naman kasi ng mga staffs ayaw bilisan ng pagluluto! Ayan tuloy ginutom nila kaming mga estudyante! Tsk. Pero idinaan na namin sa masayang kwentuhan yung gutom namin.
Nang akmang kakagatin ko na sana yung burger ko nang biglang tumili si Sana na ikinagulat ko.
"Anu ba naman yan Sana! Ginulat mo naman ako eh!" inis na singhal sakanya ni Nami. Nakita pa namin kung paano nagningning yung mga mata nya ngunit hindi ito nakatingin saming direksyon kundi sa ibang direksyon na agad naming sinundan...
Agad akong napakunot ng noo nang makita ang tropang BaTang Sokor. The one and only BTS in WASH. Ang kinababaliwan ng maraming kababaihan. Isa na dun si Sana, mukhang kinababaliwan nya si Arjo.
Narinig ko na todo namang maka-irit ang iba pang mga babae dito sa cafateria. Buti at hindi tumiki yung mga kaibigan ko. Mukhang hindi nila type yung BTS eh. I mean, seryoso ang tahimik nilang lahat. Si Sana lang yung maingay. Yung parang naging tahimik na pusa na ang mga kaibigan ko samantalang kanina makaasta parang nasapiang tigre eh.
Wait------may nasasapian bang tigre?
Tanginang tanong yan! HAHAHAHA.
Pero parang biglang nag-islow motion yung paligid nang sandaling makita ko na sya....
At shet na malupet! Napanganga agad ako sa itsura nya! FUDGE BAKIT MAS LALO SYANG GUMWAPO SA PANINGIN KO?!
I mean... simple lang naman kasi yung porma nya ngayon pero.. Ang lakas ng dating sakin! Ano bang meron?!
At unti-unti pang bumibilis yung tibok ng puso ko. Hala! What in the world is happening?!
Bakit parang bad boy na bad boy ang porma ngayon ni Vee?! May nakatali pang ribbon sa noo nya at nakahawi yung buhok nya sa gitna. Tapos.. The rest of his clothing, edi uniform. Ano pa ba?
Wait----hindi lang yun ang napapansin ko. Aba't bakit may pa-earring si kapitan? Tengene.
Sige na, inaamin ko na.
Ang gwapo nya.
Pero ngayon lang sya gwapo! Hmp.
Teka, bakit ba ngayon lang nya naisipan pumorma ng ganyan?
Hindi ko na napansin na nakalapit na pala samin ang BTS.
Napaiwas agad ako ng tingin nang bigla akong nilingunan ni Vee.
"Ahm, Kira yung laway mo oh.... Tumutulo." agad akong natauhan sa sinabi ni Rosas kung kaya't agad-agad kong isinarado yung nakanganga kong bibig at pinunasan ito gamit ang tissue.
Ibinaba ko yung burger ko at agad na ininom yung coke. Feeling ko pulang-pula na yung buong mukha ko. As in! Kasi naman kanina pa ako tinititigan ni Vee at nakita ko na nakita nya yung nakakahiyang nangyari!
Aish. Bwisit talaga 'tong bibig ko!
Kainin nalang sana ako ng burger ngayon. Bahagya ko namang nilingunan si Vee at nakita kong nagpipigil na sya ngayon ng tawa. Tss. Sige! Tawa. Di ka kawalan -.-.
I rolled my eyes and just continue what I'm doing. I took a bite on my burger and still, I feel so uneasy. Is it because of what happened or is it because of Vee who's still looking at me intently!? Jusko, baka mahalata sya na kanina pa nya ako tinititigan. Ano bang meron sakin? May dumi ba ako sa mukha o sadyang may kailangan lang sya sabihin? O baka naman nagagandahan lang sya sakin? LMAO.
"Yo, Kira!" nagulat ako nang biglang hinampas ni Jim yung balikat ko at nakita ko pang napakunot bigla yung noo ni Vee.
"U-Uy." hinimas ko naman yung parte sa balikat ko na hinampas nya.
"Kira, pwede bang makishare kami ng tables?" nakangiting sabat ni Josh. Aww. Kahit kailan talaga natatalaban talaga ako sa bunny smile ni Josh.
Napalingon ako sa paligid. "Ah---eh, madami pa kayang tables na hindi pa na-ooccupy. Pwede naman sa katabing table nalang namin hehe. At tsaka... Hindi kayo kasya dito. Madami na kami eh."
"Ay okay lang, Kira! Pwede naman kaming mag-adjust hehe." agad na nagsitayuan ang buong TeudeungiBelbetPink girls at nang akma ko na sana silang pipigilan ngunit inunahan na nila ako.
"Kira wag kang mag-aalala! Nasa labas lang kami ng cafeteria." sigaw ni Nana.
BINABASA MO ANG
𝐒𝐓𝐀𝐘, ʲᵉⁿⁿⁱᵉ ᵏⁱᵐ
Humorㅤㅤㅤㅤ❝can you stay for a bit?❞ ㅤ ㅤ ╭─┈ ❁ཻུ۪۪⸙͎.'⢸𝐚𝐞𝐡𝐮𝐫𝐚𝐧𝐞˚ ͙۪۪̥◌ ㅤㅤㅤㅤㅤ-ˋˏ 𝗝𝗘𝗡𝗡𝗜𝗘 𝗫 𝗧𝗔𝗘𝗛𝗬𝗨𝗡𝗚 ˎˊ- ㅤㅤ│ in which a girl named akira ㅤㅤ│ fell in love with someone who ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤcan't stay with her ˚ ⚘ ㅤㅤ╰─────────── ─ ─ ₊˚.⊰ ㅤㅤㅤㅤㅤ˖۪...