EVAN POV
One month na ang nakalipas matapos ang lahat ng pangyayari. Tita judith and tito john decided na hindi na sila mag sasampa ng kaso sa mga Lee.
Nangako naman sila tita vanessa na gagawin nila ang lahat para makabawe sa mga sanchez! Tulong tulong sila sa pag unlad muli ng company nila avril, nangako din sila na gagawin nila ang lahat para mahanap si jessica at para linisin ang pangalan ni tito john sa industriya.
Si melissa naman hindi pa din maganda ang lagay, they said na hindi lang ang pagkakasaksak niya ang problema, sumabay na din ang pagkakaroon nito ng mental disorder kaya hanggang ngayon hindi pa din siya nagigising, sinabi din naman nila tita vanessa na once na maging ok ito ibabalik na din nila ang dati nitong mukha.
Maayos na ulet ang samahan nila tito john at tita judith! I'm sure matutuwa si avril kapag nakita niya kung paano mag lambingan ang mag asawa.
Sila jeef naman at lean maganda na din ang lagay, palihim pang nag de'date kasi nga mas gusto daw ni tito george na koreano ang makatuluyan ni lean.
Si vincent ayun, madalas ding lumabas! Sila na kasi ni becca. Masaya kami para sa kanya, first time mag seryuso ng luko eh.
Si steven naman tulad pa din ng dati at ang malupet wala pa din itong pinapakilala saming babae, sabagay one month palang naman ang nakakalipas eh. I'm sure pag dating ng tamang panahon makakahanap din siya ng babaeng para sa kanya.
Bumuntong hininga ako at saka ko tiniklop ang notebook na hawak ko, kakatapos ko lang pag aralan ang chords ng kantang ginawa ko para kay avril.
Tumingin ako sa malayo at saka dinama ang ihip ng hangin, nandito kasi ako sa terrace.
"what are you doing here anak?"
Napunta ang atensyon ko sa bagong dating na si dad. Tumingin siya sakin at tumabi, may hawak siyang tasa ng kape at saka inalis ang suot niyang salamin.
"pinag aralan ko lang po yung kantang ginawa ko" sagot ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa hawak kong notebook.
"para kay avril?" natutuwang tanong niya.
Tumango naman ako at ngumiti bilang tugon.
Napansin ko namang napabuntong hininga siya.
"napakaswerte talaga namin ng mommy mo dahil napalaki ka namin ng mapag mahal at higit sa lahat matapang" he said.
"matapang?" nag tatakang tanong ko.
Ti'nap niya yung balikat ko at saka ngumiti.
"uo! I'm sure matutuwa si avril kapag nagising siya, sobra ang tapang na pinakita ng boyfriend niya" he said
Napangiti naman ako!
"I'm so proud of you, we're so proud of you anak...sa pag kapit mo simula umpisa hanggang ngayon! Alam kong may mabigat pa din dyan sa dibdib mo dahil hanggang ngayon hindi pa din siya gumigising, pero....nanatili ka pa ding nakatayo at nakasuporta sa kanya" he said.
Lumapit ako sa kanya at yumakap, pansin kong nabigla siya sa ginawa ko kaya naman napatawa siya
"thanks dad" I said while still hugging him.
Ti'nap niya yung likod ko.
"that's my son, you're always welcome" he said
Bumitaw ako ng yakap sa kanya at ngumiti.
"puntahan ko lang po si avril" paalam ko dito.
"go ahead" he said then smile.
After nun umalis na din ako para puntahan ang prinsesa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/73068738-288-k500989.jpg)