AVRIL POV
Nandito na kami sa kotse niya at tahimik na nag babyahe pauwe ng bahay, simula ng makapasok ako dito hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko >...<
"Sorry"
Basag niya sa katahimikan.
Nag tataka naman akong napatingin sa kanya, bakit ba siya pa tong nag sosorry? Kasalanan ko naman ehh, kung hindi nahulog ang bwesit na buhok na yun di sana makakapanuod kami ng fireworks mamaya.
"Wala kang kasalanan hahahah" i said
Hindi ko alam kung bakit natawa ako, siguro dahil ngayon nalang ulit ako nakagawa ng nakabaliwan, kapalpakan oh kakulitan, ewan! Halo halo nanaman nararamdaman ko =...=
Nag unat ako at nag buntong hininga.
"Nandito na tayo" he said
Tumingin ako sa bintana at sumilip, nandito na nga kami sa tapat ng gate. Binuksan na yun ni manong guard kaya naman pinasok na ni brian yong kotse sa loob.
Nakuha agad ng attention ko si evan na nakatayo sa gilid, tinitigan ko siya kasi iba yung awra niya ngayon. Yung parang galit na galit
Ngayon ko nalang ulit siya nakitang ganito.
Hindi ko na inantay na pag buksan ako ni brian ng pinto, mag isa na kung bumaba. Nakita kong papalapit na sakin si evan kaya naman naisip ko na salubungin na siya.
"Sorry hindi ako nakapag..........."
Napatigil ako sa pag sasalita dahil nilampasan niya lang ako.
BOGSSSSHHHHHHHH
dali dali akong napalingon ng makinig ko yun.
sinuntok ni evan si brian. Hindi na ko nagpa tanga tanga pa at tumakbo ako agad para makalapit sa kanila ng makita kung sinuntok na din ni brian si evan.
Umawat na din si manong guard kaya naman bago pa ko makalapit magka hiwalay na sila at napag gigitnaan na nila si manong guard.
"MGA BALIW BA KAYO?" sigaw ko.
Napasigaw ako hindi lang dahil sa galit kundi dahil na din sa gulat. Lumapit ako kay brian dahil dumudugo na yung labi niya.
"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong ko
Tumango nalang siya saka pinunasan yung labi niyang puro dugo. Anong bang naisipan ni evan at ginawa niya yun. Naiinis kung hinarap si evan. Sugat at namamaga yung pisnge niya.
"Ano bang problema mo?" Asar na tanong ko.
Nag smirks lang siya saka hinawakan yung pisnge niyang namumula. Inalis niya yung pagkaka-kapit sa kanya ng guard saka sumugod ulit kay brian pero pumagitna ako agad saka ko siya tinulak ng mahina at sinampal.
Gulat na gulat yung reaction niya at ganun din naman ako. Nagiguilty kung binaba yung kamay ko saka tumungo.
"Mag hapon akong nag antay, mag hapon kitang tinatawagan, mag hapon kitang sinundan! Avril............"
Inaantay ko yung susunod niyang sasabihin pero umiling nalang siya saka umalis, susundan ko sana siya pero may humawak sa kamay ko.
"Ako nang mag papaliwanag sa kanya pag naging mahinahon na siya" brian said.
Wala na kong nagawa kundi ang tumango, may sugat yung pisnge niya tapos nasampal ko pa.
Nagulat ako ng hinalahin ako ni brian saka niyakap. Feeling ko anytime tutulo yung luha ko. Ito nanaman, nawawala nanaman yung pagiging matapang ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/73068738-288-k500989.jpg)