Chapter 22

221 31 7
                                    

AVRIL POV

"ano bang gusto mo? Talk N Text, Globe, TM, Smart, Sun, ABS CBN Mobile?"

Si ate nandito kami sa 4th floor kung saan nandito ang mga napakaraming phone chuchu malamang nga naman may sim card din dito.

"Katropa" walang ganang sagot ko.

Iniisip ko kasi yung reply ni evan. Di kaya may bago na syang bestfriend at hahayaan nalang niya kami ni brian na mag sama?

Duhh...napaka walang kwenta ng mga naiisip ko ngayon.

"Katropa? Avril naman seryuso ako ano ka ba?"

Humarap siya sakin then hinawakan niya yung dalawang balikat ko saka ako inalog alog. The heck.

"wag ka ngang ano..TNT yun" i said

tumayo naman siya ng tuwid at ngumiti sa akin.

"ahhhhh hahahahah bakit katropa?" Manghang mangha na tanung niya =.=

"Ehh kasi masipag yan mag text, gaya nalang ng Katropa ang iyong unli text  ay mag expire na ito ay libreng paalala mula sa talk n text"

Speech ko, napaisip naman siya dahil don.

"Globe kasi gamit ko, try ko din pala mag TNT para magkatropa na din ako" at gaya kanina hila hila nanaman niya ko.

Oh c'mon =.=

Dapat nag iisip ako ng sapat na dahilan kung bakit ayaw nakung maging kaibigan ni Evan. Hindi kaya close na sila ni mellisa? Papalitan na nila ako? Siya na ang magiging vocalist at tatawagin na silang Mellisa's Band?

Anak ka ng tokwa Evan mapapatay talaga kita!!


EVAN POV

Iinom sana ako ng tubig pero nakita kong umilaw yung CP ko kaya naman dina ko uminom para akung timang na nag mamadaling pumunta sa table kung san yun nakapatong.

Simula kanina di na nawala yung pag tingin ko sa CP na to. Tsk

09091020304 -- Hai evan this is melissa i really need to buy something, please samahan mu ko, wala kasi si cousin and hindi pa ko familiar sa place. Pero nandito naku sa mall hihih

=.= si melissa lang naman pala. Teka anu daw? Samahan ko siya? Wala akung gana >.<

Me -- Text mo si jeef sorry busy ako ehh

Palusot ko nalang, umakyat naku sa room, walangya nakakawalang gana to ah

Narinig kung nag vibrate nanaman yung cp ko malamang si melissa to.

Walang ganang binasa ko yun.

Melissa -- alam ko namang mag tathank you ka din sakin later nandito sila avril. so? you're coming right?

Napatayo ako sa pag kakahiga ng mabasa ko yun, pero teka? Panu ko naman kaya siya haharapin? Baka naman hindi pa niya nababasa?

Me -- mag kasama ba kayo ngayon ?

Nag isip ako kung pupunta ba ko oh hindi?

Melissa -- yes hinihintay kana namin.

Agad akung napangiti, mag kasundo na pala sila ngayon. Sige pupunta ako, aalamin ko kung nabasa ba niya oh hindi!

What if nabasa na niya? Paano kami mag uusap?

Nag mamadali akong pumunta sa cabinet at nag hanap ng damit at pants na maayos. Pota obvious bang mag tatapat ako ng nararamdaman? Bahala na! ang mahalaga presentable akong tingnan mamaya para naman isipin niyang seryuso ako.

I'm HIS ROCKSTAR PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon