Chapter 33

179 29 6
                                    

AVRIL POV

nandito lang ako sa kwarto at tulala, nalibang naman ako sa naging lakad namin ni Brian kanina. Ang totoo napatawa niya talaga ako. Baliw din pala yun. tulad ng inaasahan ko pag labas namin ng sinehan hindi lang ako ang nag pupunas ng mata. Namatay yung babae sa pinanuod naming movie kaya naman halos bumaha talaga ng luha ang loob ng cinema kanina.

Knock knock knock

Pumikit ako at kunwari walang naririnig. Ayaw ko muna ng kausap, yung mga bugok kasi na yun. ngayon lang sila nag away ng ganyan ganun.

"Hindi ba kayo mag papractice ilang araw nalang umpisa na ang battle" dad said, Gusto ko man siyang sagutin pero mas pinili Kong wag mag salita.

Alam ko naman na wala na kaming pag asang manalo. Mukhang seryuso yung mga ugok ehh wala naman akong magagawa para magka ayos sila. Matatanda na sila kaya inaantay ko nalang na maayos nila ang sarili nilang problema.

"Andito lang kami sis, wag mung kalimutang pwede mo kaming kausapin" ate reanne said, So? Madami pala sila sa labas ng pinto. My sister is also a lier, mag isa nga siyang umiyak sa bugok niyang ex eh.

Huminga ako ng malalim saka tumitig sa kisame. Bahala na si batman. Kahit ako.......... Parang broken hearted din gaya ni jeef. Aytzzz

Iling... Iling... Iling...

Masaya naman akong naging maayos sila ni mellisa kanina, alam ko ding gumaan ang loob ni evan at hindi niya mapag kakaila yun sakin. Ang tanging hinihintay ko nalang ngayon ay maayos kami ulit.

Yun lang.


MELISSA POV

"How's your plan? " lean asked, Tumabi siya sakin at ngumiti ng nakakaluko.

"For the first time, nahalikan ko din si Vincent hahaha" kwento niya sakin, Mukhang masaya siya ngayon kaya naman napangiti nalang ako.

"Good for you, pano mo ba sila napapayag na pumunta dito? " I asked. Kahit kailan talaga hindi din nauubusan ng Plano to pero tulad ng palagi kong sinasabi she is only a half bitch!

"I used my tears haha" she said, Gaga talaga. Well para hindi kayo malito ako na mismo ang mag sasabi lahat ng to pakana lang namin. Ang mga binansagang astig at kinatatakutan sa university ay nahulog sa patibong namin. This is funny right?

"So? Napag away mu ba si jeef at Vincent? " muling tanong ko dito, masaya naman siyang Tumango saka pumunta sa mesa para mag balat ng apple.

"Kung nakita mo lang ang reaction ni Avril I'm sure matutuwa ka ng sobra" she said, Napatawa ako sa sinabi niya. Yun talaga ang gusto ko ehh ang makitang siyang nag dudusa. Hindi mag tatagal mapapasakin din lahat ng NASA kanya. I'm sure pati barkada niya mapapa ikot ko.

Sorry ka nalang Avril Sanchez, gustong gusto Kong agawin ang buhay mo. At I'm sure wala ka ng magagawa kundi ang ibigay yun sakin pag dating ng araw.

'Oh my god, ma'am may nangyari po ba dito? " takang taka yung nurse na nakatingin sa nag kalat na base at kung ano ano pa sa floor.

"Pakilinis nalang sa janitor niyo at wag ka ng maraming tanong diyan" lean said, Tumango nalang yung nurse at saka nag mamadaling lumabas muli ng pinto.

Hindi alam nila mommy na nandito ako sa hospital dahil sinabi ko Kay lean na wag ipaalam yun sa kanila. Masyadong makakasira ang parents ko sa mga plano ko. Masama na kung masama pero handa ko silang itakwil matuloy lang lahat ng Plano ko.

"Mukhang ayaw ko na nyang iniisip mo melis, Habang patagal ng patagal Pasama na ng pasama" lean said, Tinaasan ko lang siya ng kilay. This girl, madalas bitch pero minsan nagiging malambot.

I'm HIS ROCKSTAR PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon